50

64 5 8
                                    

"Nandito lang ako." ngiti niya. Tumango ako sabay ngisi.

"Ilang ulit mo na 'yan ngayong araw?" halakhak ko.

"Ilang ulit ka rin iiyak?" tanong ni Ysa. Bumuntong-hininga ako.

"Mahirap eh."

"Alam ko naman eh. Nasasaktan rin ako para sayo." Sumimangot siya.


Nandyan si Ysa para sakin sa mga oras na nalulungkot ako. Pinipiga nga ang puso ko sa sakit na dinadamdam ko. He's really gone at wala akong magagawa d'on. Napalunok ako. Gusto kong marinig ulit ang boses niya.


"Ano ba yan, Ruth? Kanina kaa pa dyan, a." Isinara ko ang libro ko at hinarap si Ysa.

"Malapit na ang finals Ysa." utas ko. Inirapan niya ako.

"Kahit naman malayo pa ang finals eh todo review ka na."

"Kailangan kong i-maintain ang grades ko. Malay mo maging dean's lister ako." tawa ko.

"Wow, a. Umaasa po si Ruth." halakhak niya. Humalakhak na rin ako.

"Tara na nga. Kain na." Kinaladkad ako ni Ysa.


Sa ilang buwang nangulila ako ay nandyan si Ysa para sakin. She's my sister. Alam kong pwede ko siyang pagkatiwalaan. Nakilala ko siya sa ilang buwan na iyon at mabuti siyang tao. Definitely, we earned each other's trust.


"Ysabelle de Ocampo, ba't ang seryoso mong makapindot dyan sa Ipad mo?" tanong ko. Umangat ang tingin niya at umiling siya. Salubong pa ang kilay niya.

"W-wala." Kumunot ang noo ko.

"Pahiram-"

"Huwag!"


Huli na ang lahat kasi nakuha ko na iyong Ipad niya. Alam ko na bakit salubong yung kilay niya. Eh, paano ba naman? Iniistalk niya ang profile ni Vin Garcia! N'ong nakita ko ang pangalan niya ay bumalik na naman sa isip ko ang pag-alis niya nang walang paalam. Kumalampog ang puso ko.


Mariin akong pumikit sa nakita ko. Ang pinaka-latest niyang update ay 1 hr ago. Umuupo siya sa isang restau at kaharap niya si Ate Queenie. Ang deescription ay, 'Wiith Queenie Blancaflor at Canada.' Nakangiti pa silang dalawa. Ngumiti ako nang mapait.


"Ruth, sorry, Ruth."

Tinaas ko ang kamay ko kay Ysa na nagsasabing 'Wait'. Tinignan ko ang comments sa photo niya.


'Wow. Asa Canada ka pala Ed.'

'Kelan balik mo?"

'Sweet oh.'

'Bagay.'

'Date niyo? omg.'


Ngumuso ako at wala sa huwisyo ko itong binalik kay Ysa. Tumabi siya sakin at niyugyog nang mahina ang balikat ko.


"Sorry." Ngumisi ako

"You don't have to."

"Ruth." Sumimangot siya.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon