Grade 3 nagsimula ang pagtataka ko sa mga bagay-bagay. Hindi ako ganoong friendly. Kaya, wala akong may pagsasabihan. Naririnig ko ang mga salitang, 'Crush', 'Love', 'Infatuation' o kahit ano pa yang tawag diyan. naririnig ko sa mga kaklase ko na bumibilis daw ang tibok ng puso nila, nagba-blush daw sila. Ano ba kasi yan? Hinahaunt ako sa mga bagay na yan.
Gusto kong maranasan yan. Gusto kong maramdaman. Gusto kong malaman kung anong feeling niyan. Kinikilig daw sila?
Isang araw, sinubukan kong magtanong sa isa ko kaklaseng babae.
"Anong meron sa crush na yan?" tanong ko. Inirapan niya lang ako.
"Shunga ka ata eh? Yun yung may gusto ka sa isang tao. Bakit? Di mo pa ba nararanasan yan?" tanong niya. Umiling ako.
"Hindi ko nga alam kung ano yan eh kaya hindi ko rin nararasan. De bale na, ngayong alam ko na, hahanap rin ako nang taong pwedeng magustuhan." sabi ko at ngumiti na parang ewan. Tumawa yung kaklase ko. Lacey yung pangalan niya.
"Ay gurl, hindi hinahanap yan. Nanonood ka ba ng mga barbies? O kaya disney movies?" tanong niya. Umiling ako. Alam ko yan pero hindi ko pinapanood ang mga yan. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"OMG! Talaga? Bakit?" tanong niya. Umiling na lang ako. Ayaw kong pag-usapan yun eh.
Umupo na lang ako sa upuan ko at nag-isip. Ano kayang feeling na masaya ka sa pamilya mo? Na may tinatanungan ka? Kaya hindi ko alam yan kasi wala naman akong tatanungan eh. Hindi naman kasi ata ako mahal ni Mommy at Daddy. Ayaw nila sakin. Palagi nila akong pinapagalitan. Isa lang ang nagmamahal sakin at si Kuya Vin ko yun. Alam kong mahal niya ako.
"Kuyaaaa!" sigaw ko nung nakauwi na ako. Ngumiti siya.
"Hi ganda. Kamusta yung school mo?" tanong niya. Sumimangot ako.
"Alam mo naman Kuya na wala akong friend." tugon ko. Bumuntong-hininga siya at sumimangot.
"Okay lang yan ganda. Nandito naman ako eh, huwag mong kakalimutan si Kuya ah?" sabi niya. Tumango ako."Okay Kuya!" sabi ko.
"I love you Janier Ruth Garcia." sabi niya.
"I love you too, Edrian Vin Garcia." sabi ko at naghigh five kami.
Siya lang ang meron ako kaya hinding-hindi ko pakakawalan si Kuya. Grade 5 na siya samantalang Grade 3 pa lang ako. Dalawa lang kaming magkapatid. Pero siya, mahal siya ng parents namin. Ako, hindi. Aasa na lang ako. Siguro iiyak ako isang linggo kung mamahalin nila ako.
Nakakaiyak eh. Hindi man lang nila binabaling ang atensyon nila sakin. Palagi pa nila akong pinapagalitan. Para bang ako na lang ang may kasalanan palagi. Kaya, todo study naman ako para naman manotice nila ako at maimpress sila. Pero, wala eh, palagi pa rin nila akong pinapagalitan pag natatalo ako sa quiz bee o ano.
Siguro kailangan ko talagang sumikap para mahalin nila ako. Mabuti na lang at nandiyan pa si Kuya at may sandalan pa ako kung may problema ako.
"OMG girls! May bago tayong kaklase! Ang gwapo niya!" sigaw ni Mica nung pumasok siya sa room. First day of school kasi namin. Grabe, Grade 6 na ako ngayon.
"Talaga? Pano mo naman nalaman na dito yung section niya?" tanong ni Ysa, close friend niya.
"Dugh. I overheard it." sabi ni Mica. Umiling-iling na lang ako. Ang chismosa talaga.
"Anong iniiling-iling mo dyan Ruth?" supladang tanong niya sakin. Umacting naman ako na inosente.
"Huh? Wala noh." tugon ko. Inirapan na lang niya ako at umupo sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...