Naglakad na kami pabalik sa classroom ni Mandy. Hindi siya makamove-on na kilala na si ni Zach. May nararamdaman akong chuchu na hindi ko ma-explain. Hindi pa naman ako sigurado. Ayaw kong mag-assume ano! Pero, please lang hindi totoo.
"Grabe talaga! Kilala na ako ni Zach!" sabi niya. Ngumiti ako.
"Alam mo, bagay kayo ni Zach." tugon ko naman. Totoo naman eh.
"Talaga?" sigaw niya.
"Hoy. Ang ingay niyo." sabi ni Kyle na pasulpot-sulpot lang. Tinignan siya namin nang masama.
"So? Inggit ka lang!" sabi ko. Ngumisi siya at inakbayan ako. Nilapit niya ang mukha niya sakin.
"Bakit naman ako maiinggit?" bulong niya sa tainga ko. Tumindig lahat ng balahibo ko. Oh my gosh, Lord! Ba't ang hot ni Kyle?
"Uy, infairness bagay kayo." sabi ni Mandy at humalakhak. Nanlaki ang mga mata ko at pumula ang aking pisngi.
"Ehem, ehem, hands off." sabi ni Kuya mula sa likuran at inalis ang kamay ni Kyle sa balikat ko.
"Hahaha. Sorry, Kuya." sabi ni Kyle. Nilingon ko si Kuya at tinaasan niya ng kilay si Kyle.
"Drop the 'Kuya'. Hindi mo ako kapatid. Tss." masungit na sabi ni Kuya. Kapatid? Oh my gosh. Uminit ang pisngi ko.
"Eh? Mas matanda ka sakin eh." sabi ni Kyle at ngumuso.
"Kahit na. Just, drop it." sabi ni Kuya at umiwas ng tingin. May binulong si Kyle pero hindi namin narinig. Suminghap si Kuya.
"Bye, una na ako." sabi niya at hinalikan ako sa cheeks. Tumakbo siya agad palayo. Kumunot ang noo ni Kyle.
"Grabe, ang protective ng Kuya mo ah. Dinaig pa ang isang boyfriend sa pag-protekta sayo." kumalabog ang puso ko. Ganun nga si Kuya. Nagkamot ng ulo si Kyle.
"Pabayaan mo na yun. Mahal niya kasi ako." tugon ko at ngumiti.
"Oo, mahal na mahal niya si Ruth na kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanya." sabi ni Mandy. Tumango si Kyle.
"Oh well, dalawa lang naman silang magkapatid eh." sabi niya.
"Tara na nga sa classroom." sabi ko.
Magpeperform sina Kuya Vin mamayang alas nuebe ng maaga. Syempre, ako na naman ang number one supporter niya. Kaya, todo support kami ni Mandy mamaya. Nand'un kasi si Zach eh.
"Kyle, una na kami ni Ruth." sabi ni Mandy. Ngumuso si Kyle.
"Saan kayo pupunta?" tanong niya. Umirap si Mandy.
"Mag-susupport. Ah, basta! Bahala ka." sabi ni Mandy at kinaladkad ako.
Nilingon ko si Kyle at sumunod pala siya samin. Pero, pinabayaan ko na muna siya. Nauna na kasi kaming maglakad eh.
Napatakip ako ng tainga dahil sa ingay ng ga students dito sa auditorium. Ughhh! Grabe. Dinaig pa nila ang megaphones. Tinignan ko si Mandy at todo kilig pa ang loka kasi nakita na niya si Zach.
"R-ruth." nilingon ko ang tumawag sakin at nakita ko si Kuya Dylan. Ngumiti ako.
"Uy, Kuya Dylan." tugon ko. Sumimangot siya at lumabas ang dimples niya. Ang cute naman ni Kuya Gwapo. Hahaha.
"Bakit may 'Kuya' pa?" tanong niya. Ngumuso ako.
"Mas matanda ka sakin Kuya eh. Nirerespeto lang kita." sabi ko. Kumunot ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...