Pinatugtog ni Kuya ang kinanta niya kanina. Yung Lost and Found by A Rocket to the moon. Tahimik lang akong nakikinig sa musika na sinasabayan rin niya. Niliko ni Kuya yung sasakyan niya at nag-parking na.
"You look perfect nung sinuot mo ang gown kanina." Bulong ni Kuya at inakbayan ako.
Pumula ang pisngi ko sa sinabi ni Kuya. Ngumiwi ako nung tinignan ko siya.
"Ano bang ginagawa natin dito Kuya?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.
"Wala lang. And, by the way, kahit na maganda ka sa gown mo, ayaw ko pa ring lumalabas yang cleavage mo." Sumimangot si Kuya. Uminit ulit yung pisngi ko.
"Eh, Kuya, normal lang iyon."
"Kahit na. I can see those guys how they look at you with adoration and I hate it. Ayaw kong makita silang ganun dahil baka maupakan ko lang sila." Tumikhim siya.
"OA mo Kuya! Di nga sila nanliligaw sakin eh." Umiling-iling ako.
"That's the point. At huwag na silang magbalak na manligaw sayo dahil baka di pa sila nakakatapak sa gate ay basag na yung mga panga nila." Tumawa si Kuya. I rolled my eyes.
"Yan. Yan rin yung rason ba't walang nanliligaw sa ain eh. Titig pa lang kasi nila ay gusto mo nang mamatay ng tao, manligaw pa kaya sila?" Ngumuso ako.
"Papatay ako para sayo." Kinindatan ako ni Kuya.
Napaface palm na lang ako sa sinabi niya. Perks of having a brave brother. Napaka-OP, over protective.
Naglibot-libot lang kami sa Mall hanggang sa tumigil siya sa isanng Fashion Accessories store. Mamahalin ang mga binebenta nila dito. Syempre, magaganda lahat eh.
Tumingin-tingin si Kuya sa mga accessories. Bumuntong-hininga ako at di na sumunod sa kanya. Nandito lang ako sa labas, tumitingin sa mga nagdadaang mga couples.
"Thank you, Sir. Come again." Sabi ng Cashier sa kanya.
Tinignan ko lang siya with my bored expression.
"Oh, ano? Okay na?" Tanong ko. Tumango siya at dinilaan ang kanyang labi. Pinikit-pikit ko ang mga mata ko.
"Yep." Sabi niya at ngumisi.
"Ano bang binili mo?" Tanong ko.
"Secret." Humalakhak siya. Umiling-iling na lang ako saka naglakad-lakad.
Pagkatapos naming mag-dinner ay umuwi na rin kami. Pagod na ako. Alas nuebe na pala nung umuwi kami. Kiniss ko si Mommy't Daddy sa cheeks at nag-good night ako.
Nakatulog ako nanng mahimbing at walang istorbo. Nung nagising ako ay may nakita akong maliit na box sa bedside table. Humiga muna ako bago ko naisipan tignan kung ano iyon.
Pinunit ko ang wrapper at binuksan ang bos. Kumislap ang mga mata ko sa nakita ko. Isang clip na kulay violet na something like bulaklak. Mukhang mamahalin ito ah? Bumuntong-hininga ako. Oh well. You can't expect my brothher to buy you cheap things. Nakita kong may note pala ito sa gilid.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...