45

55 8 29
                                    

Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Edrian ay naging masaya kami. Alam namin ang lugar ng bawat isa sa puso namin. Hindi ko pa alam yung kay Ate Queenie pero hindi ko na pinagkaabalahan iyon. Si Hailey naman ay hindi ko na pinapakielaman.

Minsan lang ako nagiging ganito. Noon, masaktan lang ako huwag lang yung ibang tao. Pero ngayon, gusto ko nang ipaglaban ang dapat sakin. Bumuntong-hininga. I've loved her pero pinapakita niya sakin yung bitchy side niya. Hindi niya ako pinapansin pero todo papansin naman siya kay Edrian Vin.

Madalas ako tumatambay sa unit ni Edrian. Napakarelaxing kasi doon eh. Kumportable pa ako kausap siya. Minsan nga natutulog pa ako doon pero nirerespeto niya ako, sobra. Mahal niya ako kaya malaki rin ang respeto niya sa akin. Kahit pa noon ay may respeto na siya sa akin. At hindi naman siya yung tipong manyak eh. Nagkataon lang na iba ang iniisip niya noong isang araw.

Palagi ko na rin siyang nilulutuan. Nasarapan pa siya ng cream pufss ko kaya halos araw-araw pag pumupunta ako doon ay na-grogrocery kami para bumili ng ingredients. Nasarapan rin siya sa lemon juice ko kaya palagi niyang hinahanap. Doon na nga lang ako kumakain palagi eh.

Magkaibigan kami ni Kyle. Hindi ko alam kung anong updates sa buhay niya pero magkaibigan pa rin kami kahit ganoon. Hindi ko nga alam baka bakla na 'to kasi wala pa ring chicks eh.

"Ngayon ka pa talaga nagtaka kung bakla ako?" halos pasigaw niyang tanong. Natawa ako.

"Sorry naman. Wala ka kasing girlfriend eh." Ngumuso siya.

"Bakit, ikaw? Wala ka rin namang- Ah, meron pala." Kumunot ang noo ko.

"WEH? Alam mo? Sino?" tawa ko.

"Hindi ako sigurado."

Nagkibit-balikat siya. Hindi kami ganoon ka-secret ni Edrian. Hindi naman namin kinakahiya ang isa't-isa eh. Wala rin namang may nagsasabi ng masama sa amin. Hindi ko lang alam kung marami ba ang nakakaalam dito about sa past namin. Ayaw ko nang kalkalin iyon kasi hindi ako isang Garcia.

Napadaan ako dito sa Gymnasium ng school at nakita kong maraming estudyanteng nagkukumpulan. Kumunot ang noo ko. Ayaw ko na sanang pansinin pero may nag-uudyok sakin na makisali ako. Bumuntong-hininga ako at pilit kong siniksik ang sarili ko sa masikip na daanan.

"May ipapakita daw si Lovely." Nilingon ko ang mga nagtsitsismisan.

"Ha? Akala ko kay Hailey 'to?"

"Ewan ko basta ganoon."

Kumalabog ang puso ko. And before I knew it, nandoon na pala sa harap silang dalawa. Parang silang mga baliw na ngumingisi. Kinabahan ako. Anong nangyayari?

"Good day everyone! Salamat sa panonood ng show namin. May gusto lang kaming ipakita sa inyo."

Nakangisi pa si Hailey sa harap. Sobrang daming nagkukumpulan na mga estudyante. Luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko alam pero feeling ko masama ito. Suminghap ako at lumabas si Hailey na naka-civilian na ngayon.

"Posible bang ma-inlove tayo sa kapatid natin?" Tumigil ang mundo ko sa aking narinig. May bukol ng luhang bumara sa lalamunan ko.

"Ang yuck, diba?" tawa niya tapos pumunta sa gilid. Pumunta naman si Hailey sa harap.

"Ahh, inlove ako sa kapatid ko." acting niya na pinaliit yung boses niya. Lumunok ako at may namuong luha sa gilid ng mga mata ko.

"Ay, pero iibahin ko yung surname ko para pwede kaming magpakasal." Humagikhik siya. Tumulo yung luha ko. Hindi totoo yan, gusto kong isigaw pero wala akong lakas.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon