59

34 4 0
                                    

Simpleng floral dress na above-the-knee lang ang suot ko at flats. Wala kaming gaanong activity ngayon. Timing naman dahil alas nuebe pa ang BOTB nila. Alas nuebe rin ang tapos ng seminar namin eh. Hindi muna applicable ang rule na after 45 minutes ay lights off na kasi may activity rin.

Mabilis natapos ang activity namin at hindi naman nakisama ang banda sa dinner namin dahil busy-busyhan ang peg nila. Nag-apply ako ng kaunting foundation at nakita kong mapang-asar na ngisi naman ang binigay ni Michelle sakin.

"OMG! Maraming gwapo d'on!" tili ng mga kasama ko.

Tinawanan ko sila. Ang aadik talaga. May dalawa hanggang tatlong araw pa kami dito. Ewan ko lang kung after nito ay uuwi na ang TYT.

"So, let's not prolong this introduction. I know we're all waiting for this contest. Let the battle begin!" ngisi ng M.C.

Marami-rami ang nag-aabang ng BOTB. Pati nga 'yong mga guro namin ay nandito. Tiling-tili ang mga babae lalo na't halos lahat ay lalake at marami rin ang mga gwapo. May mga kumanta ng slow songs. Mayroon ring rock ang kinanta nila. Reggae nga 'yong iba eh.

"The Yellow Turban."

Tumili ang mga kasama ko sa USC. Tinitigan ko si Edrian Vin at pinasadhan niya rin ako ng tingin pero binaling niya rin ito sa crowd at ngumiti siya nang seryoso.

"Hi."

Nagulat ako kasi iyon lang ang sinabi niya. Mostly kasi, mahilig pa siyang mag-introduce. Humalukipkip ako at ngumuso habang tinitignan siya. Lumipat na naman ang tingin niya sakin pero pumikit siya habang pinipihit ang Gitara niya.

I drove by all the places we used to hang out getting wasted

I thought about our last kiss, how it felt the way you tasted

And even though your friends tell me you're doing fine

Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?

When he says those words that hurt you, do you read the ones I wrote you?

Maraming sumigaw kasi sobrang lamig ng boses niya. Hindi nagpakita ng kahit anong emosyon si Edrian. Kung minumulat niya ang mga mata niya ay ako kaagad ang tinitignan niya. Akala ko nga rock ang kakantahin niya, hindi pala. Nanlumo ako sa kinanta niya. May kung anong kirot sa puso ko habang pinapakinggan siya. Nangangatog na nga ang binti ko habang minamasdan ko siya.

Sometimes I start to wonder, was it just a lie?

If what we had was real, how could you be fine?

'Cause I'm not fine at all

I remember the day you told me you were leaving

I remember the make-up running down your face

Ako lang talaga ang tinititigan niya habang kumakanta siya. Naiiyak ako sa kanta niya. May kung ano sa boses niya na parang nagmamakaawa siya na nalulungkot. May tumulong luha sa mata ko kaya pinunasan ko iyon.

I wish that I could wake up with amnesia

And forget about the stupid little things

Like the way it felt to fall asleep next to you

And the memories I never can escape

'Cause I'm not fine at all

Parang sinaksak ako sa kinanta niya. Gusto niyang kalimutan ako? Bakit? Sobra-sobra ba ang nadulot kong sakit sa kanya? Sobra ko bang pinairal ang pride ko? Kasalanan ko ba?

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon