Pulang-pula na ang pisngi ni Hailey at hindi pa rin ako nakaharap. Mga ilang segundo pa bago nakaget-over si Hailey at ngumiti siya.
"H-hello." nauutal niyang sabi. Yumuko ako.
"Hailey, mauna na ako." sabi ko.
Agad akong tumalikod. Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon ng babaitang iyon! Sobrang nanginginig na ako at pwede nang sumali sa karera ng kabayo ang puso ko. Humakbang ako at kung hindi ka naman minamalas, nadapa ako.
Mariin akong pumikit sa kahihiyan. Not now, please! Arghhh! May naramdaman akong humawak sa braso ko at tinulungan niya akong tumayo.
"Miss, are you okay?" Nanginig ako sa lamig ng boses niya. Dahan-dahan kong inangat ang tingn ko at halos malaglag yung panga niya nung nakita niya ako pero pinatayo na lang niya ako at iniwas ang kanyang tingin. Lumunok siya at nadepina ang kanyang Adam's apple.
"Ruth naman mag-ingat ka." Sinimangutan ako ni Hailey. Tumango ako.
"O-oo. Pasensya na. Aalis na 'ko." sabi ko pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Ipapakilala muna kita sa kanya," sabay tingin kay Edrian.
"Ah, eto pala yung kaibigan ko, si Janier Ruth Mandala. Urm, Ruth, si..." Hindi pa alam ni Hailey yung sasabihin niya kaya si Edrian na lang ang dumugtong.
"Edrian Vin Garcia." saby ngiti ni Edrian. Napalunok ako at umawang naman yung bibig ni Hailey. Bakit hindi niya kilala si Edrian kung textmates pala sila? At isa pa, nakita na niya diba yung mukha nito sa Facebook.
"Yun pala. Vin lang kasi yung pinakilala mo sakin eh." sabi ni Hailey. Humalakhak si Edrian at pinasadahan niya ako ng tingin.
"M-mauna na ako Hailey." sabi ko at tinanguan si Kuya.
Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Hailey at Kuya at agad akong umalis pero ngayon ay sinigurado kong okay na ako. Schoot! Ang sakit ng sugat ko a. Hindi pa ako kalayuan nung narinig ko yung tanong ni Kuya.
"Mandala yung surname niya?"
Sinubsob ko ang mukha ko sa aking unan. Sabado ngayon at katatapos lang ng aming NSTP kaya agad akong umuwi sa unit ko. Hindi pa rin ako makaget-over na si Kuya Edrian pala yung katext niya. Baka yung pinakilala lang niya ay Vin Garcia? Siguro? Kasi big deal kay Hailey na Garcia yung last name ni Edrian.
Pero, diba nakita na niya ito sa facebook? Nagkibit-balikat ako. Madalas na silang mag-usap ni Hailey simula nung nakita nila yung isa't-isa. Narinig ng utak ko ang sinabi sa akin ni Hailey nung isang araw.
"Iba yung itsura niya sa Facebook pero photogenic pa rin naman siya."
Hindi nga kami friends nun sa Facebook. Tsss! Naiinis ako! Ayaw kong magtagpo pa yung ways namin tapos siya pa yung textmate ni Hailey. Naglolokohan ba tayo dito Tadhana? Pinilig ko ang ulo ko at tumingin ako sa gilid ng unit ko. I miss my Mama.
Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko kaya sinagot ko kaagad ang tawag.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Ficção AdolescenteJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...