44

51 8 15
                                    

Iniwan ko siya sa ere. Pinunasan ko ang luha ko at isinubsob ang mukha ko sa aking unan. Oo, alam ko kung sino ang mahal niya. Alam kong totoo iyon pero mayroon sa mga mata niyang may ipinapahuwatig pero hindi niya sinasabi sakin. Hindi ko alam kung ano iyon at hindi ako sigurado pero alam kong masakit 'yon.


Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Hinablot ko ito at hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.


"Hello?" sabi ko. Narinig kong may tumikhim.

"Akala ko hindi mo sasagutin." Natigilan ako nang narinig ko ang boses ni Edrian.

"Pero salamat na rin. Pwede mo naman 'tong ibaba ang gusto mo." Hindi ako nagsalita.

"Anong problema?" tanong niya. Pumikit ako nang mariin.

"W-wala." Bumuntong-hininga ako.

"I'm sorry. Hindi kami ni Queenie." sabi niya. Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Alam ko." bulong ko.

"So, why are you jealous?" tanong niya.

"So you knew I'm jealous."

"Oo, pero wala kang dapat pagselosan." tikhim niya.

"Meron." Alam kong kumunot ang noo niya.

"Ano?" tanong niya.

"Hindi naging kayo." halos mabasag na ang boses ko.

"Yun nga eh, anong pinagseselosan mo?" tanong niya.

"Kasi sabi nila mahalaga daw kayo sa isa't-isa kaya ayaw niyong maging kayo muna."

"That's not true! Kung mahal ko siya, niligawan ko siya kaagad kasi hindi ako torpe at hindi ko gustong hindi ko naipapahayag ang mahal ko sa isang tao." Nakinig lang ako at binalot kami ng tahamikan.

"I want to go to your unit." diretso kong sabi. Natigilan siya nang ilang sandali.

"Y-you sure?" tanong niya. Tumango ako.

"Yep, pupunta na ako." sabay baba ng cellphone.


Inayos ko lang ang itsura ko at naglakad na ako palabas ng unit ko. Kinakabahan akong naglakad papunta sa harap ng unit niya at kumatok. Maya-maya'y binuksan niya ito at nanlaki ang mga mata ko na topless lang siya. Agad akong pumasok at sinara ang pinto.


"Bakit wala kang T-shirt?" tanong ko. Nagkamot siya ng ulo.

"Nagmamadali akong pagbuksan ka eh." sabi niya. Umirap ako.

"Sa susunod, magbihis ka muna. Paano kung bading ang kumatok? Edi ginahasa ka na." sabi ko. Ngumisi siya.

"Okay. Sorry kamahalan." sabi niya.


Hindi ko na siya pinansin at nilibot ng mga mata ko ang lugar niya. Ang manly ng dating ng unit niya. Ang cool. More on black and blue ang accent. Ang relaxing ng place niya. Iginala ko ang tingin ko sa sala niya at hindi ito makalat. Naisip ko kung hindi ba ito makalat kasi alam niyang pupunta ako? Pinilig ko ang ulo ko. Nah. I know my Kuya very well at hindi siya burara. Imposible namang napalinis niya nang ganito ang sala niya sa ilang segundo lang.


"Pwede na bang tirhan?" Nilingon ko ang walang saplot na si Edrian. Napasimangot ako.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon