"Grabe, nakakastress na talaga 'to." Sinubsob ni Althea ang mukha niya sa table. Tumawa ako.
"Althea, kailangan mong i-maintain ang pagiging first honor mo." tugon ko. Tmikhim siya at tumango.
"Oo nga eh. Nakakainis!" singhal niya. Tinap ko yung balikat niya.
"Kaya mo yan."
Inangat niya ang ulo niya at tinignan niya ako. Nginitian namin ang isa't-isa. Kagya ko, noon, ay pressured rin si Althea sa parents niya. Naaawa nga ako sa kanya kasi naranasan ko rin yan eh. Nagpapapansin para mahalin ng parents. Humugot ako ng isang malalim na hininga.
Mabuti na lang at di ganoon si Mama sa akin. Mahal niya ako at ganun rin ako sa kanya. May pakialam siya sa akin at sa grado ko pero okay lang sa kanya. Okay lang sa kanya hangga't makakaya ko. Hindi niya ako pinepressure. Pero di porket ganun a piapabayaan ko na lang ang pag-aaral ko. Nasasama pa rin naman ako sa Top 5.
"Saan niyo balak mag-College?" panguna ni Marielle. Bumuntong-hininga ako.
Nandito kaming magkabarakada sa isang mahabang table sa plaza at nag-uusap kami. Hindi ko pa alam kung saan ako magkokolehiyo. Spaced out pa rin ako. Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan si Hailey na todo kilig at ngiti habang nagtitext. Napahalf smile ako at kinalabit ko siya.
"Hmm?" Ibinaling niya ang tingin niya sa akin pagkatapos niyang pindutin ang Send. Ngumuso ako.
"San ka mag kokolehiyo?" tanong ko. Bumuntong-hininga siya.
"Doon malapit sa bahay ng textmate ko." sabay ngiti. Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang aking panga.
"Hailey!?" halos pasigaw kong sabi kaya napatingin ang mga barkada namin sa amin at tumahimik sila. Tumango siya.
"Yep."
"Ano?" nakakunot-noong tanong ni Michael. Ngumisi siya.
"I'm sorry I didn't tell you. Oh well, nandito na rin naman kaya sinabi ko na." sabi niya. Kinagat ko ang aking labi.
"P-pero, paano na ang barkada?" Nanginig ang labi ni Marielle.
"Well, eventually, maghihiwalay pa rin tayo, ryt?" Tinignan niya ako. Tumango ako.
"Saan ba kayo kukuha ng entrance exam?" tanong ni Althea.
"Sa UP, West, USA o saan pa." sagot naman ni Sean.
"Ikaw ba?" Binaling ni Sean ang tingin niya sakin. Nagkibit-balikat ako.
"I don't know. Hindi pa ako sigurado." Nagkamot ako ng ulo.
"Sa UP ako." sabi ni Althea sabay ngiti.
"Syempre naman. Alam na namin yan Althea." Tumawa kami.
"Anong plano natin sa friendshipness?" tanong ni Marielle.
"Hailey, kailan ka aalis?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya.
"Right after graduation, I think?" tugon niya.
"Hailey naman eh." Nanginig ang labi ko.
"'Hindi ko naman kayo kakalimutan eh." sabi niya. Umiling ako.
"Pero kahit na." singhal ko.
Napaisip ako. Ibig sabihin, doon siya aaral sa eskwelahan ni Kuya. Doon rin daw kasi nag-aaral yung textmate niya. Magkikita na pala sila soon? Pinisil ko ang ilong ko at nag-isip isip.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Novela JuvenilJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...