55

39 5 12
                                    

Sa oras na 'yon ay nalaman ko na ang gagawin ko. Tumalikod ako. Hindi ako nagpakita ng kahit anong ekspresyon kahit na basag na basag na ang puso ko. He's a jerk! Pagkatapos niya akong iwan, sasabihan na lang niya sakin kaagad na namiss niya ako. He really knows how to get my attention.

Umiling-iling ako. Maraming tumikhim sa ginawa ko. Maraming umirap sa akin. Marami rin ang nagbulong-bulongan. Wala akong pakialam. Hindi sila ang nasa posisyon ko kaya wala silang karapatang husgahan ang desisyon ko.

He got tall. Hindi ako maliit pero kung ilalagay mo ako sa gilid niya ay magmumukha akong maliit. Lalo pa siyang gumwapo. Mahaba nang kaunti ang buhok niya pero nakataas ito at mas bagay pa sa kanya kung magulo ito. Hindi rin naman nagpahuli ang pagiging maputi niya. He's been there for a couple of years. Hindi na ako magtataka bakit pumuti siya.

Sobrang perpekto na niya para sakin. Gustong tumakas ng mga luha ko sa nakita kong lalake sa harapan ko kanina. Nangangatog na ang binti ko pero hindi ko gustong bumigay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dinala ako ng mga paa ko sa garden ng unibersidad namin.

Agad kong pinaypayan ang sarili ko at tumulo na ang luha ko. This is so frustrating. Bakit ako umiiyak? Akala ko ba wala na? I thought I'm over him. Thoughts. I freaakin' hate my thoughts.

"Akala ko wala na. Hindi ko na siya mahal, hindi na. Mahal ko siya pero hanggang sa kapatid lang."

"Ouch." Namilog ang mga mata ko nang nilingon ko si Edrian. Nakasimangot siya at malungkot ang mga mata niya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinusundan?" galit kong sigaw. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at humalukipkip siya.

"Gusto ko lang, may angal ka?"

"Oo, ayaw ko." sabay ismid.

"Bakit? Eh sa gusto ko talaga eh."

"Wala akong paki."

Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya at unti-unti ko siyang nilingon. Napalunok ako.

"Talaga? Hindi mo na ako mahal?" tanong niya.

Tinapon ko ang kamay niya, "Hindi na."

"Pero, ako mahal kita.-"

Hinarap ko siya, "Stop it! Okay?! Stop it! Wala na akong pakialam. Sinong matinong tao ang magsasabing mahal niya ang isang tao pagkatapos niya itong iwan at saktan, ha?! Hindi na kita mahal! Hindi mo ba inasahan na magiging ganito ang reaksyon ko? Tsaka bakit nandito ka pa?! Diba dapat graduate ka na?"

Ngumiti siya pero nasasaktan siya, "I- I don't know. I don't know what to do. Inasahan ko pero ang iniimagine ko ay bukas ang braso mo na magwewelcome ulit sakin. I tried. I tried everything. Maraming nagsabing naging mature ako, naniwala ako. Pero ngayon hindi ako naniniwala kasi hindi naman nakita ito ng mahal ko."

Umiwas ako ng tingin. Tuloy-tuloy na akong naglakad palayo. This is my first time to escape the first day of school. Tapos ginawa ko lang iyon dahil sa Edrian Vin na 'yon! Sarap niyang sakalin.

"I hate you! I hate you! Bakit mahal kita? Hindi na pwede! Hindi kita dapat mahal."

For the first time, humagulgol ako. Nadiligan na ulit ang mga unan ko. Siya lang naman ang palaging nagpapaiyak sakin eh. Akala ko nga graduate na siya. Oo, umasa akong babalik siya pero nangibabaw ang galit sakin n'ong nakita ko siya. Hindi pwedeng ang pagmamahal ko lang sa kanya ang palagi kong pinapairal. Kailangan kong malaman bakit niya ako iniwan. Pero hindi pwedeng idaan lang niya ako sa kahinaan ko.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon