38

55 7 15
                                    

Tumatak sa isip ko ang salitang boyfriend. Pinilig ko ang ulo ko. Somehow, natuwa ako sa sinabi ni Kuya. Pero, hindi pwede 'to.

"Ba't parang nag-iba si Edrian?" Nakatingin sa kawalan si Hailey nang sinabi niya iyon. Napaubo ako.

"HUH? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Nilingon niya ako at pilit siyang ngumiti.

"Feeling ko may ibang babae na sa puso niya." Nanlaki ang mga mata ko.

"Naging kayo ba?" tanong ko. Tumawa siya sabay iling.

"Sana nga naging kami." Kinagat ko ang labi ko at inwas ang aking tingin.

"Minsan na lang siyang magtext. Mabuti pa nung high school pa lang tayo." Ngumuso siya.

"Hailey, baka busy lang siya sa school at sa banda niya." Nagkibit-balikat ako.

"Hmm, siguro nga."

Sinabi sakin ni Edrian na alam ko daw paano siya patigilin sa mga kalokohang ginagawa niya. Napalunok ako. Hindi ko na maintindihan. Napaface palm ako. Hindi ko na siya nakikita na kasama si Ate Lovely. Ano na naman ba 'to?

"Ang lalim ng iniisip ah." Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nasa harap ko si Kuya.

"Kuya-"

"You want to be my sister?" He frowned.

"I'm not." Umirap ako.

"Yun naman pala eh. Stop calling me Kuya. I feel like I'm getting older."

"You are." tawa ko. He glared at me.

"I'm still young." Tumawa lang ako at umiling.

"How's life?" tanong ko. Piinaglaruan niya ang kanyang labi.

"Fine. Ganun pa rin. Boring." sabi niya.

"Masaya naman yung buhay mo, a." ngiti ko. Umiling siya..

"Not with my princess." Tinignan niya ako sa mga mata ko. Kumunot ang noo ko.

"Princess? Sino?" Ngumisi siya.

"You, I think." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Stop it." sabi ko. Nagkibit-balikat siya.

"How's Mommy and Daddy?" tanong ko. Pilyo siyang ngumiti.

"Oh. Our Mommy and Daddy, they're fine." sagot niya. Nanliit ang mga mata ko. Iba-iba talaga iniisip niya! Grrr.

"May klase ka?" tanong niya at tinignan yung G-schock niya. Umiling ako.

"Wala na." iling ko. Bumuntong-hininga siya.

"Will you go with me?" tanong niya.

"Saan ka naman pupunta?" Tumayo na siya.

"Sa bahay. Kina Mommy."

Umawang ang bibig ko pero hindi pa ako nakapagsalita ay kinaladkad na niya ako papunta sa Vios niya. Oh my gosh. Kinakabahan ako! Anong sasabihin ko? Ano ba naman yan! Dapat kasi nagpakita na ako sa kanila nung dumating na ako dito eh.

"Ba't parang nawalan ka ng dugo?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Pinaglaruan ko ang labi ko.

"Kinakabahan ako." Tumawa si Ed. Shortcut ko yan sa Edrian.

"Hindi naman nangangain sina Mommy, a?" tugon niya at kinagat ang kanyang labi. Bumuntong-hinings ako at hinilig ang katawan ko sa upuan. Binalot kami ng katahimikan nang nagsalita ako.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon