Kung nakikita ako ni Ate Lovely, nginingitian na niya ako. She's so beautiful. Kahit si, uh, Kyle eh nagagandahan rin sa kanya. Well, who would not? Kung ano ka-sikat si Kuya, ganun rin si Ate. Kaya, bagay talaga sila.
Medyo nailang nga siya nung pinakilala niya ako kay Ate Lovely eh.
"A-ah, Lovely. Eto nga pala yung kapatid ko. S-si Janier Ruth." sabi ni Kuya. Ngumiti siya sakin.
"Hi." bati niya at kumaway sakin. Nginitian ko siya pabalik.
"Hi po Ate Lovely. Alam mo bagay kayo ni Kuya." sabi ko. Tinaasan niya ako nang kilay habang nakangisi.
"Talaga? Haha. Ang cute mo naman, Ruth." sabi niya. Umiling ako.
"Naaah." bored na sabi ko. Narinig kong tumawa si Kuya.
"Tara. Ganda, babye! May pupuntahan lang kami ni Lovely." sabi ni Kuya. Bumuntong-hinga ako at tumango.
"Sige, Kuya. bye. Bye Ate Lovely." sabi ko at kumaway. Kumaway rin siya pabalik
"Bye Ruth. Nice to meet you." sabi ni Ate Lovely.
Ang cute nilang dalawa tignan. Sana may ganun rin ako. May manliligaw sakin. Kasi gustong-gusto ko talaga maranasan yang pagmamahal na sinasabi nila eh.
"Tulala~ Kasalanan bang-?" hinampas ko nang mahina sa braso si Kyle na sumulpot lang. Kumakanta siya sa tonong 'Himala'. Hahaha. Baliw
"Ano?" tanong ko.
"Tulala ka na naman. Langya talaga-" tumawa ako. Kinanta naman niya ang tono ng 'Halaga'.
"Baliw. Pinapamukha mo talaga sakin na maganda ang boses mo samantalang sakin, hindi?" tugon ko at ngumisi. Ngumiti siya at umiling.
"Grabe! Hindi ako ganun. Anyway, anong oras ka babalik sa room eh time na natin after 10 minutes?" tanong niya. Chineck ko naman kaagad ang time ko.
"Oo nga pala. Tara balik na tayo dun." sabi ko at kinaladkad siya.
Namula ako sa ginawa ko. Alam mo yun parang may electricity nung hinawakan ko ang kamay niya. Grabe. Nanginginig ako! Tapos parang may butterflies sa tiyan ko. OH MY GOSH!
"Huy, anong nginingiti mo diyan?" tanong niya na nakapagpabalik sa katinuan ko. Binitiwan ko ang kamay niya na sobrang lambot.
"Masama?" tanong ko at inirapan siya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Ngumisi siya.
"Hindi naman. Para ka lang namang baliw." sabi niya. Binatukan ko siya nang mahina.
"Loko! Masama ba maging inspired?" tanong ko at ngumiti rin na parang ewan. Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti.
"Inspired ka, huh? Nino?" tanong niya. Ngumisi ako.
"Secret!" sigaw ko at binelatan siya. Ngumuso siya sakin. Kinurot ko na lang ang pisngi niya.
Kasama ko si Mandy nung lunchtime na. Hindi ko alam saan na pumunta si Kyle na yon eh.
"Pst." sitsit ni Mandy sakin at kinalabit ako. Kunot-noo ko siyang nilingon. Nasa pila kasi kami dito sa Canteen eh. Tinuro niya yung entrance ng cafeteria. Tinignan ko rin yon. Nanlisik ang kanyang mga mata.
"What's up with them? Bakit palagi silang magkasama?" tanong ni Mandy. Kinagat ko ang labi ko.
"Nililigawan ni Kuya si Ate Lovely." tugon ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"The eff?! Seriously? Eh, playgirl yan eh!" sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Saan mo napulot ang impormasyon na yan?" tanong ko. Medyo nainis kasi ako kay Mandy dahil sinabi niyang playgirl si Ate Lovely. Eh, ang bait-bait niyan eh. Nililibre niya ako. Tinuturing niya na akong parang kapatid eh.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...