37

75 8 10
                                    

Nagkakaigihan na si Hailey at si Edrian. Ilang araw ko na ring iniiwasan si Kuya. Ibig sabihin ay kung iniiwasan ko si Edrian ay iniiwasan ko rin si Hailey. Oh well, hindi na rin naman niya ako kinakausap kasi busy na siya kay Vin. Kaya ngayon, mag-isa lang akong naglalakad dito sa eskwelahan.

Minamasdan kita nang di mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Napahinto ako nung narinig ko ang boses ni Kuya.. Actually, hindi lang ako, kundi halos lahat ng estudyanteng naglalakad! Humalukipkip ako habang nakatingin kay Kuya. Pinikit-pikit ko ang mga mata ko para masigurado kung ako ba yung tinitignan niya. Hindi ako sure pero, ako ba!?

Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit.

Huwag ka lang titingin sakin at baka matunaw ang puso kong sabik

Hindi siya naggi-Gitara ngayon kaya hawak-hawak niya yung stand ng Mic at nakangiti, sige ngayon ko lang i-aassume na sakin siya nakangiti. Kinagat ko ang labi ko at ngumisi. Namiss ko 'to! Namiss kong kantahan ako ni Kuya. Kaso lovesong 'to! Aruy, kinilig naman ako. Shoot! Oo, kinikilig ako!

Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo, ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Maraming pumalibot sa kanila at tiling-tili sila habang tinitignan si Kuya. Grabe lang yung pasalamat ko kasi hindi nila tinitignan ang direksyon ng tingin niya. Madalas ko siyang naririnig na kumakanta. Ngumingisi ako sa kanya pero hindi ko siya nilalapitan at kung nandyan siya ay lumalayo ako. Bumuntong-hininga ako. Kumindat siya.

"Ow em ji! Kinindatan niya ako."

Napayuko ako nang marinig kong sinabi ni Hailey. Sinulyapan ko siya at di siya ganun kalayo sakin at kasama niya yung kaklase niya. Nagkibit-balikat ako at tumalikod na para umalis.

Minsan na lang kami nag-uusap ni Hailey kasi busy ako at ganun rin siya. Ngayon, iniiwasan ko na talaga si Kuya. Hindi na ako tumitingin sa kanya tuwing kumakanta siya. Ayaw ko nang mag-expect! Yung feeling na akala mo ikaw yung kinantahan, nginitian at kinindatan yun pala, hindi! Pinilig ko ang ulo ko.

Ilang linggo ko rin siyang iniiwasan. I think my feeling towards him is not right. Unang-una, maraming nakakaalam na magkapatid kami. Joke! Malayo ang eskwelahan namin dito kaya nga hindi na umuuwi si Kuya sa bahay noon eh. Si Kuya lang naman ang sikat dito eh, kaya walang may nakakaalam na magkapatid kami. Oh, eh ano Ruth? For Pete's sake, magkapatid lang ang turing niyo sa isa't-isa.

Nanikip ang dibdib ko at hindi ko namalayang tumulo pala yung luha ko. Madalas sinasabi sakin ni Hailey kung anong ginagawa nila ni Kuya. Aniya masaya raw sila at palagi silang namamasyal. Pero ang hindi lang daw niya nagawa para kay Hailey ay kantahan ito. Akala ko nabingi lang ako kasi sinabi ni Kuya na kakantahan niya si Hailey nung magkatext pa lang sila eh.

Nagkibit-balikat ako. So far, wala pa siyang babaeng kinakantahan maliban SAKIN! Aba! Eto na naman ako. Palagi na lang ako nag-aassume. No, ayaw ko, ayaw ko na talagang mag-assume. Masakit sa puso.

Tahimik lang akong naglalakad sa corridor. May exam pa ata kami mamaya eh. Napahawak na lang ako sa noo ko. Sana madali lang yun! Habang naglalakad ako ay nakita ko si Kuya. Halos lumuwa ang mga mata ko nung nakitang masaya sila ni Ate Lovely. Oo, ni Ate Lovely! Nalaglag ang panga ko.

Kung maglakad at mag-usap sila ay parang sila lang yung tao sa mundo at kislap-kislap thingy pa yung mga mata nila. Gusto kong magmura! Anong ibig sabihin nito? Kinagat ko ang aking labi at lumiko. Niloloko ba niya si Hailey at si Ate Lovely?

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon