30

39 5 12
                                    

Akala ko mahihimas-masan na ako dahil naisabi ko na iyon kay Mandy pero mas ginulo niya lang yung utak ko. Pinilig ko ang ulo ko. Pathetic. I'm doubting the truth. But, I can't help it! May nararamdaman akong kakaiba eh.

Lutang ako nung pauwi na ako. Napatalon ako nung nakita kong nandito si Tita Hanna. Seryoso siya kung makatingin. She's not like that. Mostly, nakangiti siya. Oo, paminsan-minsan seryoso siya pero di ganito kaseryoso. Pumikit-pikit ako.

"M-magandang hapon." sabi ko. Tumango siya at pilit na ngumiti.

"Ruth." sabi niya.

"Mommy." Ibinaling ko ang tingin ko kay Mommy. Niyakap niya ako.

"Anak." sabi niya. Kinagat ko ang aking labi. Bumuntong-hininga ako at kumalas kami sa yakap. Umupo ako sa sofa at tinignan ko si Daddy. Ngumiti siya sakin pero may bahid ng sakit. Lumunok ako at tumingin sa harapan.

"Mommy, ano 'to?" sabay kuha sa folder na nakalatag sa table. Tumingala si Mommy. Halos malaglag ako sa upuan nang nakita kong DNA Test ito.

"D-DNA?" sabi ko. Tumango si Daddy. Mariin akong pumikit at dahan-dahan ko itong binuksan.

Nanginginig ang buong katawan ko nung binubuksan ko na ito. Pinigil ko ang aking hininga. Bakit may DNA Test dito? Bumuga ako ng isang malalim na hininga at tinignan ang loob nito. Nakita ko ang pangalan namin ni Mommy at nalaglag ang panga ko nung nakitang may nakalagay na 'Negative'.

"Negative?!" sigaw ko. Umiling-ling ako at nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. Umiling-iling si Mommy ay humikbi.

"Anak." namamaos ang kanyang boses nung tinawag niya ako. Umiling rin ako.

"Mommy, hindi 'to totoo diba? Anak niyo ako!" sabi ko. Nakita kong lumunok si Daddy.

"Ruth,"

"Daddy." Humagulgol ako. Hindin umiimik si Tita Hanna. Tahimik lang siyang nanonood sa amin. Nakita kong may isa pang folder na nakalatag sa harapan. Kinuha ko ito at pangalan naman namin ni Tita Hanna ang nakalagay.

"This is not true." bulong ko kasi 'Positive' naman ngayon yung nakalagay.

Bumuntong-hininga ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Inihilig ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan ni Tita Hanna at pinagmasdan ang sa labas. Kulimlim na ang ulap at malapit nang gumabi. May tumakas na naman na luha sa mata ko pero hindi ko na ito pinunasan.

"Stop torturing yourself, dear." malumanay na sabi ni Tita. Nilngon ko siya pero hindi ako umimik.

"I'm s-sorry, Ruth. Alam kong ampon ka lang pero tinuring kita higit pa dun. Tinuring kitang tunay na anak lalo na nung nalaman kong malapit ka nang kunin sakin. I-I asked forgiveneess kasi huli na nung na-realize ko ang halaga mo sa buhay ko." Umiiyak si Mommy.

"So...that's the reason why you d-didn't like me at first?" humihikbing sabi ko. Tumango si Mommy.

"Oo."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi pa sapat sa akin yung DNA. Paano kung peke iyon? Paano kung nandaya yng doktor?

"Pina-DNA namin 'to. Tatlo kami. Nung bumalik ako sa Pilipinas, sila agad ang pinuntahan ko kasi gusto ko nang makita ang anak ko. What I felt when I first saw you is different. May kakaiba akong naramdaman. Maybe iyon yung tawag nilang lukso ng dugo." seryosong sabi ni Tita Hanna.

"Bakit niyo pa pina-DNA kung alam mo naman na hindi mo a-ako anak?" tanong ko. Kinagat ni Mommy ang kanyang labi.

"I don't want to tell her at first. Pero nung gusto niyang ipa-DNA, that's the cue, kailangan na niyang malaman." sagot ni Mommy.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon