"Sorry talaga, Ruth." Ikawalapong paumanhin na ata ni Mandy 'to sakin eh. Ngumiti ako.
"Ano ka ba! Okay lang nga yun, Mandz. Isa pa, huh at di ko na tatanggapin yan." Tumawa ako. Ngumuso siya.
"Sure ka?" Nakita kong isang masakit na salita na lang ay iiyak na 'to.
"Yep. Gusto mo paiyakin kita?" Sabi ko. Bumuntong-hininga siya.
"Ikaw nga ata 'tong iiyak eh." Sabi niya. Umiling ako.
"Wala kaming forever ni Kyle." Nakatingin ako sa kawalan.
"Asus! Emotera ka! Prom partner lang naman yun eh." Humalakhak siya. Bumusangot ako.
"Kahit na. Nafifeel ko." Sabi ko at ngumuso.
"Huy Ruth, sorry naman. Sasabihan ko na lang si Kyle naikaw na lang-"
"Huwag na, Mandz." Pinutol ko ang sinabi niya
"Bakit ba ang bait mo Ruth? Naiiyak ako." Sabi niya at nakita kong pinunasan nga niya yung luhang tumakas sa mata niya. Tumawa ako at pinunasan ko rin 'to.
"Uy sorry pinaiyak kita." Sabi ko habang nakangisi. Pinunasan niya ito at ngumiti na siya.
"I love you, Ruth." Niyakap niya ako.
"I love you too, Mandz." Niyakap ko siya pabalik.
Bumuntong-hininga ako. Kahit na medyo masakit, okay lang. Ewan ko pero feel ko gusto ni Kyle si Mandy eh. Pero, nung una akala ko ako ang gusto niya kasi nagpapakita siya ng intensyon sakin. Nag-assume lang pala ako. Kaya eto, nagluluksa ako.
Nauna kaming kumain ng hapunan nina Mommy't Daddy. Kanina pa namin hinihintay si Kuya eh, pero hindi pa rin siya dumadating. Nung huli pinagpasyahan na lang naming kumain na. Agad naman siyang nagtext na medyo malilate siya.
Nag-half bath na ako at humiga sa kama ko. Saan naman kaya nanggaling si Kuya? Hindi pa kami nag-uusap nun buong araw, a.
Nakaidlip na ako pero narinig ko ang mga yapak niya kaya agad akong bumangon at inayos ang sarili ko. Lumabas na ako at kumatok sa kuwarto niya.
"Kuya." Tawag ko.
"Pasok lang." Sabi ni Kuya.
Ginawa ko ang sinabi niya at nakita kong naka-pajamas lang siya at topless. Ngumuso ako. Parang di naman nag-gigym si Kuya, a? Ba't nadedepina talaga yung abs niya at yung biceps pati na rin yung triceps niya? O baka di ko lang alam? Umiling ako at lumapit sa kanya.
"Salamat pala sa clip." Nakangiting tugon ko. Tumango siya.
"Wala yun."
"San ka pala galing?" Bumuntong-hininga si Kuya at umiling.
"Wala, may ginawa lang." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kuya, okay ka lang?" Tumango namans siya.
Pinagmasdan ko lang siya habang binubuksan niya yung closet niya at kumuha siya ng simpleng Tshirt at isinuot ito. Umupo ako malapit sa headoard ng kama niya at niyakap yung unan niya. Hmm. Amoy Kuya talaga. Ang bango. Suminghap siya at umupo sa gilid ko habang hinuhubad yung G-shock niyang relos.
"Sorry, a?" Sabi ni Kuya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Para saan Kuya?" Tanong ko. Bumuntong-hininga siya.
"Alam ko namang nasaktan ka kasi kay Mandy nagpropose si Kyle." Bumusangot si Kuuya. Ngumiti ako at umiling.
"Wala iyon. Okay lang ako, Kuya." Hinawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...