46

112 7 16
                                    

"Eto ba talaga ang gusto mo Janier? Akala ko mahal mo ako pero pinatunayan mo lang na kaya ng ibang sirain ang relasyon natin." sabi niya. Umangat ang labi ko pero hindi ko siya nilingon kasi ang tunog pa lang ng pag-iyak niya ay pumipiga na sa puso ko.

"Narinig mong sinabi kong hindi ko hahayaang sirain n'on ang pagkatao ko.-"

"Pagkatao mo Janier, hindi ang relasyon natin." Tumulo ang luha ko.

"This is for your good. Isipin mo na lang na hindi sasama ang tingin ng tao sayo. You're still you. Iyong kumakanta para sa mga babaeng humahandusay sa kilig. Walang mawawala sayo pag ginawa natin 'to. I can still be your friend and you can pretend that you don't know me o isang babaeng desperada lang ako na hindi mo pinapansin.-"

"Can you hear yourself?! Walang katotohanan sa kahit anong pinagsasasabi mo. I'm me when you're with me! I don't bloody care kung wala na akong fans kapag karelasyon kita. Sa iyo ko lang nalaman ang totoong kahulugan ng kasiyahan." Naging mahinahon ang tinig niya sa huling pangungusap. Bumuntong-hininga ako.

"No, you're you when you have a piercing on your ears. I assure you malalaman mo ang kahulugan ng salitang kasiyahan kapag pagpapatuloy mo ang pagkakanta mo. It's final at may nakalimutan pa pala akong ibigay sayo." Hinarap ko siya at bloodshot ang mga mata niyang matalim na nakatitig sa akin. Humakbang ako papunta sa kanya at kinuha ang palad niya sabay baba ng spare key ng unit niya.

"I'm totally going out and signing off. But don't worry because I can still be your friend, sister or your neighbour in your unit. It's up to you kung ibabalik mo ang spare key ko."

Tuluyan na akong lumabas. Iniwan kong nakaawang ang bibig niya. Dali-dali akong naglakad papunta sa unit ko. Nilock ko ito at nang nakapasok ako sa kuwarto ko ay nilock ko rin ito para hinid niya ako masundan. Sinalampak ko ang katawan ko sa kama ko at dumapa. Doon ko nilabas ang mga hinagpis ko.

I'm not strong. Hindi ako matatag kasi wala siya. Kapag nandyan lang siya ako nagiging matatag. Pero, hindi pwedeng maging dependent lang ako sa kanya palagi. I have to move on. Masakit man pero kailangan ko itong gawin. Someday, someone is going to thank me for letting him go. No, everyone will be thankful because I let him go.

Kinakabahan akong naglakad papasok sa USC. Malamig ang simoy ng hangin at makulimlim ang ulap. Napapikit ako. Lunes na naman at kailangan ko nang harapin ang mga iniwan ko. Sa unang hakbang ko pa lang ay marami nang napapalingon sa akin. Halos lahat sila ay tinignan ako. Hindi na ako nagulat kung maraming nagbubulong-bulungan, may tumatawa sakin, may naaawa, may naiinggit at mayroon rin namang walang paki.

Bumuntong-hininga ako at tinahak na ang daanan. Hoodie jacket ang suot ko pero hindi ko tinakpan ang itsura ko. Confident lang akong naglakad sa USC.

Would you know my name if I saw you in heaven?

Would it be the same if I saw you in heaven?

I must be strong and carry on

'Cause I know I don't belong here in heaven.

You're wrong. I'm the one who does not belong to heaven. Ako ang umiwan sayo. Alam kong nakatitig siya sakin at ganoon rin yung ibang tao. Patuloy lang ako sa paglakad at hindi ko na pinansin ang mga tingin nila sakin.

"I admire you." Napatalon ako nang may narinig akong nagsalita.

"Uh." iyon na lang ang nasabi ko. Tumawa siya nang mahina.

"Don't worry, mabait ako." Angelic ang itsura niya. Maganda siya.

"Alam ko kung ano ang totoo. Ka-batch tayo. I'm Ysballe by the way. Ruth right?" Tumango ako.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon