"Shocks! May mas sweet pa ba kay Kuya mo? OH. EM. GEE! Mabuti na lang talaga!" sabi ni Mandy nung sinabi ko sa kanya ang nangyari kahapon. Ngumisi sakin si Mandy.
"Mahal ako ni Kuya eh." sabi ko at ngumiti.
"Tama! Pero friend, di naman ata tama yung ginawa ni Mommy't Daddy mo sayo." sabi niya at sumimangot. Ngumuso ako.
"Kasalanan ko naman eh." bumuntong-hinga ako.
"Pero kahit na. Amfeeling nila sayo? Ampon? Tch." singhal ni Mandy. Umiling ako.
"Nah. Gusto lang nilang lumaki ako nang maayos." tugon ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sorry at no offense meant pero sumusobra na yata?" sabi niya at ngumiwi. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian.
"Ako naman ang may kasalanan eh." sabi ko. Mariin siyang pumikit.
"Tara na." tugon ko at nagsimula nang maglakad at kaladkarin siya.
Naglalakad kami ni Mandy nung naisipan kong ikwento kay Mandy ang about kay Kyle.
"Mandy, sa tingin mo, may gusto kaya si Kyle sakin?" tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagkibit-balikat siya.
"Ewan ko lang, Ruth. Ayaw naman kitang paasahin kung sasabihin kong may gusto siya sayo na ang totoo ay di ko alam." sabi niya. Ngumiwi ako.
"Hayy. Minsan iniisip ko na kahit kaibigan ko siya eh ang hirap niyang i-reach." sabi ko at bumuntog-hinga.
"Nino?" napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Kuya sa gilid ko. Napahawak ako sa dibdib ko at humalakhak naman si Mandy.
"Kuya, ba't ka nanggugulat?" tanong ko at inirapan siya. Ngumisi si Kuya.
"Wala lang. Papunta na rin naman ako sa room eh. Nakita ko kayo ni Mandy kaya ayu naisipan kong makisabay sa inyo. Pero, sino yun?" tanong niya.
"Yung alin?" tanong ko at ngumuso. Kinagat niya ang labi niya at sinamaan ako ng tingin.
"Yung mahirap ireach." sabi ni Kuya.
"Ah? Yun? Wala yun!" tugon ko at ngumisi.
"Yung totoo?" tanong ni Kuya.
"Ah, Edrian, si asdfghjll." tinakpan ko kaagad ang bibig ni Mandy at nginitian ko si Kuya. Ngumuso naman siya.
"Kainis. Sino ba kasi yon? Kuya mo ako tapos di mo sinasabi sakin. Tss." sabi ni Kuya at umirap sa kawalan. NAgpeace sign ako.
"Hehe. Babye!" kumaway ako at kinaladkad ko si Mandy papuunta sa room.
"Huwag mo ngang sabihin kay Kuya." sabi ko kay Mandy at ngumuso ako. Tumawa siya.
"Sorry naman kasi." tugon niya.
Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Kyle sakin. Kaibigan nga lang diba? Hayy.
Kaya nung nag-lecture na si Mam ay palihim ko lang na sinusulyapan si Kyle. Nung huli lumingon siya kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko.
"Pst, Luigi! Palit tayo." sabi niya sa katabi kong si Luigi. Kumalabog ang puso ko sa sinabi ni Kyle. Oh no. Huwag kang magpalit sa kanya please.
Alam kong tumango si Luigi at nakipagpalit ng upuan kay Kyle dahil katabi ni Kyle yung crush ni Luigi. Uminit yung pisngi ko. Naramdaman ko na lang ang aura ni Kyle.
"Uh, Ruth, peram whiteout." sabi niya kaya binigay ko yun sa kanya na di siya nililingon.
"May extra ballpen ka pa ba?" tanong niya. Tumango ako kahit na di ko pa siya nililingon. Sumusulat rin kasi ako ng notes.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Novela JuvenilJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...