Excited na ako. Ngingiti ako habang umaakyat sa taas. Habang nagbrebreakfast kami ay may sinabi sakin si Mommy.
"Ruth, after breakfast, get ready we'll buy your dress for your prom."
Kaya ayun, tiling-tili ako. Masama nga yung titig sakin ni Kuya ba't ang ingay ko raw. Pero hindi ko siya pinansin. Ano siya! Baka si Kyle pa yung kapares ko. OH EM GEE! I can only imagine.
Naligo kaagad ako habang nakangisi. Excited na ako sa prom. I wonder kung sino yung magiging pares ni Kuya. Hmm.
Ang sinuot ko lang ay simpleng V-neck Tchirt na kulay royal blue, skinny jeans at sneakers. Nag-blower ako sa buhok ko at tinali ito. Nagpakawala ako ng higa at bumaba na. Nakita ko kaagad si Mommy na nakatayo sa pintuan. Nakasimpleng dress lang siya at mukhang ako na lang ang hinihintay niya.
Ngumiti ako kaagad at bumaba.
"Hintayin niyo na lang si Edrian. Sasamahan na lang niya kayo." Sabi ni Daddy sa kawalan. Napatingin si Mommy sa kanya at tumango na lang.
Umupo na lang ako sa mahabang sofa at nag-WiFi muna. Matagal pa si siguro si Kuya. Inihilig ko ang katawan ko sa sofa at maya-maya ay narinig ko na ang mga yapak ni Kuya. Binaba ko ang cellphone ko at pinagmasdan ko siyang naglalakad papunta samin.
"Bilisan mo. Huwag kang feeling model. Ambagal mo pa namang maglakad." Umirap ako. Narinig kong humalakhak si Mommy. He smirked at me.
Tumayo na ako at binantayan ko siya sa garage. Hindi ko talaga alam kung kailan pa kumuha ng lisensya si Kuya. Well, 18 years old na rin naman siya eh. Sosyal. Niregaluhan kasi siya ni Daddy ng Vios nung birthday niya eh. Sana sakin, sasakyan rin.
"Ihatid mo na lang kami ni Ruth sa botique ni Sandra and then, pwede ka nang umuwi." Sabi ni Mommy sa likod. Tinignan ko si Kuyang tamad na nagdri-drive at umiling siya.
"I'll go with you." Sabi ni Kuya sabay sulyap kay Mommy sa mirror. Tumango si Mommy.
"You sure?" Tinaasan niya ng kilay si Kuya. Tumango naman si Kuya.
"May panglalake ba dun? Kukuha na lang din ako ng damit ko." Sabi ni Kuya. Tinignan ko si Mommy at tmango siya.
"Yep. Sino bang kapartner mo?" Tanong ni Mommy. Bumuntong-hininga si Kuya a nagkibit balikat.
"Di ko rin alam eh." Pinaglaruan ni Kuya ang labi niya. Napatitig ako dun. Ngumuso ako.
"Marami ka namang friends na babae, ah?" Tanong ko at tumingin sa harap. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tinignan niya ako.
"Ayaw ko sa kanila. Low naman standards ko pag ganun." Tumawa siya. Tinignan ko siya.
"Grabe ka naman, Kuya. Magaganda naman ang mga kaibigan mo." Sabi ko. Umiling siya.
"Nah. Maghahanap na lang ako at maghihintay." Ngumiti si Kuya..
"Naku, Edrian ha! Baka mabalitaan ko na lang na babae pa ang nagyaya sayo. Anong hintay-hintay yang pinagsasasabi mo?" Tanong ni Mommy. He just chuckled.
"Grabe ka naman, My. I mean, hinihintay ko yung gusto kong babae." Sabi ni Kuya at kinagat ang kanyang labi.
"Sino? At yayain mo na lang kaya siya? Tutal wala namang iiling sayo Kuya eh." Sabi ko. Sinulyapan niya ako at sinimangutan.
"Sana nga lahat ng babae ay pwede kong maging kasintahan o lahat ay mapapaamo ko. Pero, imposible naman ata yun." Umiling siya.
"Sus! May imposible pala sayo?" Tumawa ako. Tumango si Kuya.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Genç KurguJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...