Napatalon ako sa paggising sa akin ni Tita- este Mama. Nginitian niya ako. Luminga-linga ako at pinagmasdan ko ang paligid. Kinusot ko ang mga mata ko at agad akong humikab.
"Uuwi na tayo sa Iloilo, anak. May bahay tayo dito at dito ko lang iiwan yung sasakyan ko. Come on."
Hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong anak pero dapat sanayin ko na ang sarili ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Binaling ko ang tingin ko sa kanya, tumango at nginitian ko siya.
Nanlumo ako nang nasa eroplano na kami. May tumulong luha sa mga mata ko at pinunasan ko ito. Ngumiti ako nang mapait at may binulong ako.
"Goodbye, Garcia."
And I mean it. Totoo na ito. I have to be real. Eto na yung katotohanan at kailangan ko nang harapin ito. Tumingin ako sa gilid ko at nakatulog pala si Mama. Humikbi ako nang tahimik. Siya na ang pamilya ko ngayon. Maganda si Mama Hanna. Pareha nga yung pagkatangos ng mga ilong namin gaya sa sinabi ni Mandy,
Nahilo ako at pagod na ako nung bumaba ako. Malamig ang simoy ng hangin dahil umaga na. Niyakap ko ang sarili ko at hinintay ko si Mama. Bumuntong-hininga ako at maya-maya'y sumulpot si Mama sa gilid ko.
May tumigil na Chevrolet sa harap namin at bumukas yung driver's seat. Ngumiti siya sa amin ni Mama.
"Maayong aga, Madame, uh-"
"She's Ruth, my daughter, Henry, tagalog siya." ngiti ni Mama. Nagkamot siya ng ulo at ngumiti sa akin.
"Magandang umaga, Mam Ruth." Ngumiti ako at tumango.
"Magandang umaga rin po."
Sumakay si Mama sa backseat at ganun din yung ginawa ko. Naka-on yung aircon at mas lumamig pa. Nilagay ni Kuya Henry ang mga bagahe namin sa likod. Nasa bente singko siguro yung edad niya. Nagkibit-balikat ako.Suminghap ako at tumingin sa labas.
Madilim pa pero hindi na on yung mga streetlights. Medyo hindi ako sanay dito sa Iloilo. Hindi ko rin alam yung lingguahe nila. Suminghap ako. I have to adapt at their environment though.
"Paano mo na siya naging bata Madame?" Sumalubong yung kilay ko sa tanong ni Kuya Henry. Ugh. To be honest, ang wirdo ng tono nila. Pinilig ko ang ulo ko.
"Long lost daughter. Ginpangita ko siya sa Manila kay kilala ko ang nag-adopt sa iya." sabi ni Mama. Ibinaling ni Mama ang tingin niya sa akin at tumawa siya.
"Huwag kang mag-alala, magtatagalog kami." tugon niya. Ngumiti ako at tumango.
Nasa harap kami ng isang malaki at kulay dilaw na gate. Ngumuso ako at sumunod kay Mama sa pagpasok niya. Tumunganga ako sa laki ng bahay namin. Kulay puti siya at may terrace sa ibabaw. May swimming pool nga sa gilid ng bahay at mayroon ring garden.
Di hamak na mas mayaman sina Mama kesa kina Mommy. She walks confidently at yumuyuko ang mga katulong kapag dumaan siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumutunganga na lang ako. Ganoon rin yung ginawa nila sa akin.. Nginingitian sila ni Mama at doon ko napagtanto na mabait siyang klase ng boss.
I cleared my throat. Kung may ngumingiti sa akin ay nginingitian ko rin pabalik. This is really driving me crazy.
"I would like you all to meet my daughter, Ruth. Tagalog siya at sana respetuhin niyo ang lingguahe niya." Tumawa si Mama.
"Mabait siya at sana maging mabait rin kayo sa kanya. Iyon lang. Any questions?" Nakataas ang kilay ni Mama pero nakangiti pa rin siya. Umiling ang mga katulong pati na rin si Kuya Henry.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...