23

52 6 8
                                    

Nagulat ako sa tinanong sakin ni Kuya kagabi. Bakit? Iyon ba ang tinanong ni Daddy sa kanya? I mean, pinag-usapan. Pinilig ko na lang ang ulo ko.

"Hindi naman Kuya eh. Bakit?" Tanong ko. Bumuntong-hininga siya at tumango.

"Good. Wala lang. Baka kasi naiinis ka na sakin eh." Umiling ako.

"Hindi Kuya ah! Naaalala mo pa noon na nasaktan ako kasi gusto kong maging protective ka ulit sakin?" ngumiti ako. Ngumiti na rin siya at tumango.

"Oo naman. Sige na, matulog ka na." Sabi niya at hinalikan ulit ako sa cheeks.

"Good night. Sweet dreams." Sabi ni Kuya bago lumabas sa pinto at isara ito.

Nanatili akong nakahiga sa kwarto. Maya-maya na ako babangon. Wala naman kaming klase ngayong araw eh. Naisipan kong bumangon at humarap sa salamin. Sinuklay ko ang mahaba't straight kong buhok. Inipit ko ang bangs ko sa aking tainga at nilagyan nito ng ipit.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako at nakita ko sila sa sala.

"Good morning." Bati ko. Nginitian nila ako.

"Good morning." Bati nila pabalik.

"Let's eat breakfast para makapgpahinga na kayo at pagkatapos ay mag-aayos na lang kayo para sa Promenade niyo."

Tumango kami sa sinabi ni Mommy. Kumain kami ng agahan at pagkatapos ay naisipan kong tumambay muna sa kuwarto at mag-WiFi sandali. Nakita kong nag-post si Kyle ng selfie. Mirror selfie, to be specific. Hinahawakan niya ang kanyang Samsung na Cellphone at nakapikit siya habang nakakagat ang kanyang labi.

Ang nakalagay na description ay, 'Atlast, my promenade partner. <3' Medyo kumirot ang puso ko. Tumulo yung luha ko pero pinunasan ko ito kaagad. Feeling ko gusto niya si Mandy. Umiling ako. Okay lang. Best friend ko naman silang dalawa eh. Pero ang lungkot lang isipin na minsan lang ako magkagusto sa isang tao tapos di pa niya ako gusto pabalik.

Nung hapon na ay nagpatawag si Mommy ng isang Stylist para ayusan kami. Half ponytail ang tali ng buhok ko at pinakulot ang natirang buhok ko. Light violet ang kulay ng make-up at medyo dark violet na ang shade nito. Nilagyan rin ako ng noseline para mas mafeature ang matangos kong ilong. Tapos fake eyelashes para mas humaba ang pilikmata ko. Nilagyan ako ng kaunting blush on at eyeliner tapos lipstick at lipshiner.

Hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin. Medyo gumanda ako ah? Pero, ba't ang pangit ko? Aissh! Pinilig ko ang ulo ko. Huwag ka nga, Ruth! Di porket hindi mo kapartner yung crush mo sa Promenade ay pangit ka na. Pasalamat ka nga at yung pinakagwapo sa Campus ang partner mo eh.

I-eenjoy ko na lang araw na ito. Dapat stress-free ako ngayong araw. Ngumiti ako at isinuot na ang Gown ko. Nung tumingin ako sa salamin naming mahaba at malapad ay ganun na lang ang paghanga ko sa itsura ko. Uy, infairness, maganda ako. Tumawa ako sa isip ko.

Bumaba na ako at papuri kaagad ang binigay nila Mommy't Daddy sakin. Pinasalamatan ko rin kaagad sila. Umupo muna ako dito sa sofa sa aming Sala at maya-maya ay narinig ko na ang mga yapak ni Kuya.

Itinaas ko ang aking tingin at halos malaglag ang panga ko nung nakita ko siya. Nakangiti siya kaya litaw na litaw yung cheekbones niya. Nakasuot siya ng isang perpektong Tux at bagay na bagay sa kanya. Hindi ko alam kung perpekto ba talaga ang Tux o di kaya'y nagmukha lang itong perpekto kasi isang diyos ang sumusuot. Kulay Violet ang Accent ng Necktie niya. Bagay ito sa aking damit huh.

"Wow, ang gwapo mo naman Anak." Ngumisi si Kuya sa sinabi nina Mommy't Daddy.

"Ba't ngayon niyo lang sinabi Mommy? Matagal na." He chuckled. Tinikom ko ang aking bibig at ngumiti.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon