42

78 4 0
                                    






France
Lalabas sana ako ng hotel para sunduin si Fyodr.  Marami pa akong ginagawa kaya hindi ako makalabas. Magagalit na naman si Fyodr nito.

Napatitig lang ako sa mensahe sa akin ni France pagkatapos ko siyang kamustahin.

Me
Saan?

Kinuha ko ang bag ko at sinenyasan si Blake na lalabas ako sandali. Tumango siya at ngumiti. Sina Damon naman ay napasunod lang ng tingin sa akin.

France
Sa school niya. Hindi ako maka-focus dito dahil sa kaniya.

Pumasok ako ng kotse at kaagad itong pinaandar.

Me
Ako na. Huwag ka ng lumabas.

Habang nagmamaneho ako palabas ng club ay tumunog ulit ang phone ko. At nang Makita ko na siya ang tumatawag ay sinagot ko kaagad iyon.

"Are you sure?" she asked on the other line. Ramdam ko sa tinig niya ang pagod.

"Yeah. Just send me his number so I can contact him."

"Sigurado ka?--

"Yeah. Ibaba ko na. I'm driving. Just send me his number and I'll call him." putol ko sa kaniyang sasabihin.

Matagal bago siya sumagot.

"Ako na. Magpahinga ka. I hate it when you're tired."

Ayoko na nakikita siyang pagod. Kung ako lang, mas gusto ko na nakapahinga siya at ako na ang bahala sa kaniya. Kung sasama lang siya. I'll give her the world. Iyong hindi na niya kailangan magpakapagod katulad ng ginagawa ng kaniyang Dad sa kaniya.

Nakatatak pa rin sa isipan ko ang sinabi niya sa akin.

Ayaw sa akin ng Dad niya.

The hell? What's wrong with me anyway?

Nasa akin naman ang lahat. Ano pa ang hihilingin niya? Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa akin? Para sa akin, ako lang ang lalake para kay France. Kung kailangan ko na kausapin siya, gagawin ko.

Pagdating ko ng school ng kapatid niya ay sa harap mismo ng gate ako naghintay habang hindi iniaalis ang aking paningin sa mga lumalabas na estudyante doon sa gate. Dahil hindi sinasagot ng lalakeng iyon ang tawag ko.

Nang Makita ko ang lalakeng hinihintay ko ay bumaba ako ng kotse at hindi gaanong pinansin ang mga tumatawag at lumalapit sa akin.

Nang akmang lalampasan niya ako ay hinila ko siya sa kwelyo niya sa likuran kaya napabalik siya sa akin. Marahas siyang humarap sa akin habang nakaismid pa.

"What the!"

Nagpipigil ako na huwag mainis sa kaniyang sinabi at reaksiyon.

"Sumama ka sa akin." wika ko at hinila-hila siya sa kwelyo habang nagpupumiglas siya.

"Let me go! Bakit mo ako kinakaladkad? Sira ka ba?"

Napahinto ako sa paghakbang at nagpantig ang aking tenga sa kaniyang mga sinabi. Binitawan ko siya ng biglaan atsaka pinamulsahan. Nagpipigil pa rin ako. But this guy? He's really trying my patience. I squinted my eyes and bit my lower lip. Ayoko na makapagsabi ng pangit sa kaniya. Dahil ang katotohanan na isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi makapag-focus si France sa akin ay sadyang nagppapainit ng husto sa aking ulo.

Pinamulsahan ko siya nang magmulat ako. Inaayos niya ang sariling uniporme habang iritadong sumusulyap sa akin.

"I just came here to help France. Ayoko lang na napapagod at pinahihirapan siya." diretso ko na turan atsaka binuksan ang pintuan ng aking kotse.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon