Panay ang sulyap ko kay Eli na umiinom kasama sina Kuya Austin. Panay ang pagpapatagay nila sa kaniya. Nag-aalala ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Eli kaya hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaniya.
"Pulang-pula na si Eli oh. Ang cute naman niya. Mukhang nakakarami na siya. May sakit pa iyan ah." Puna ni Sasha habang inaabutan ako ng wine. Umiling ako at hindi inalis ang tingin kay Eli na ngingiti-ngiti lang sa tuwing may sasabihin ang mga pinsan ko.
"Okay lang ba si Eli? Mukhang hindi maganda ang itsura niya?" Bahagyang tumayo si Pia at sinilip sina Eli.
Napatayo ako nang makitang tumayo si Eli at muntik nang matumba. Mabuti na lang at nahawakan siya ni Kuya Sieg. Nagtayuan ang mga pinsan ko na babae at isa-isa kaming lumapit sa kanila.
Kaagad akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso.
"Okay ka lang?" Nag-aalala ko na tanong.
Nang makita ko ang mukha niya pulang-pula na ito maging ang kaniyang mga mata ay naluluha na. Napahawak siya sa kaniyang leeg at napaupo ulit sa kinauupuan kanina lang. Naalarma ako nang makita ang labis na pamumula ng kaniyang mga labi.
Nang hawakan niya ako sa braso ng mahigpit habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaniyang leeg ay doon ko nakita ang tila ba hinimay na hipon sa kaniyang plato.
Kinabahan ako sa aking naisip. Nilingon ko si Kuya Austin na lumapit na rin at inalalayan na makatayo siya.
"Kumain siya nito?" Nanginginig ang kamay ko na itinuro ang hipon sa plato niya.
"Yeah. Nakailan din siya." Si Kai ang sumagot at itinuro ang mga balat ng hipon na nasa gilid ng kaniyang plato.
Marahas akong tumingin kay Eli na nahihirapan na sa kaniyang paghinga.
"Don't tell me allergic siya sa seafood?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Yssa.
"Kuya Austin, dalhin natin siya sa ospital." Nag-aalala ko na tanong at nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig kay Kuya Austin.
Tumango si Kuya Austin. Kasama sina Zander at Kuya Kairus ay sinamahan nila ako na dalhin sa pinakamalapit na ospital si Eli.
Puno ng kaba ang dibdib ko habang hinihintay na matapos ang pagtingin kay Eli sa loob ng emergency room. At dahil may mga iilan na nakakilala sa kaniya ay mas dumami ang mga naghihintay maliban sa amin.
Sumunod din pala sina Yssa kaya nandito kami ngayon sa labas at naghihintay.
"Magiging okay din siya. Naagapan naman agad. Bakit ba kasi niya kinain kung hindi siya pwede..." ani Pia habang hawak ang isa kong kamay.
"Tss. To impress everybody—
"FYODR!" halos pasigaw ko na saway sa kapatid ko. Medyo sumosobra na ang kaniyang pananalita. Hindi tama. At hindi ko gusto.
"Bakit niya kakainin ang bawal? Ano iyon? Tss." Marahas niya akong tinalikuran at naglakad papalayo.
"Ako ng bahala sa kaniya." Boluntaryo ni Zander at sinundan si Fyodr.
Nasapo ko ang noo ko sabay iling. "How could he talk like that." Hindi ko makapaniwala na sabi habang naiiling.
"Huwag ka ng mag-alala. Hindi naman siguro malala." Sabi ni Kuya Austin at inakbayan ako.
Napaluha ako dahil sa inis kay Fyodr. Alalang-alala ako kay Eli tapos ganoon pa ang iniisip niya sa tao? Hindi iyon gagawin ni Eli para i-please lang ang lahat. Hindi niya ugali na magpapansin para makuha ang atensiyon ng lahat! My God!