15

74 4 0
                                    

Dad

Hindi ka makakadalaw mamayang gabi? Baka nakakalimutan mo na kaarawan ng Lolo mo?

Me

I'm with Lolo.

Inilapag ko sa mesa ang phone ko at muling tumingin kay Lolo Fred na ngingiti-ngiti sa akin.

"Your Dad?"

Tumango ako. "Sa bahay ka magse-celebrate?"

Uminom siya ng kape atsaka tumango. "Iyon ang gusto ng Lola Dianne mo. Darating lahat ang mga Tito at Tita mo. Kasama ang mga pinsan mo. Pero okay lang naman sa akin kung hindi ka pupunta." Nagkibit-balikat siya atsaka tumawa ng mahina. "Naiintindihan naman kita apo. I hate seeing that Helena too. Hindi lang ako makatanggi sa Lola mo dahil alam mo naman, mahal na mahal niya ang Dad mo. At kahit mali, mas pinipili niya na makitang masaya ang Dad mo. So please don't hate your grandma."

Huminga ako ng malalim. "That's why I chose to leave the house. Dahil ayoko ng mahabang usapan."

"Kaya niyaya na kitang lumabas ngayong umaga. Alam ko na may gig ka mamayang gabi. Kaya—

"I'll go." Putol ko sa kaniyang sasabihin. Hindi lang naman ako pumunta noon sa kaarawan ni Helena dahil si Helena iyon. Iba naman si Lolo Fred. Alam ko na isa siya sa mga nagpahalaga kay Mom noong nabubuhay pa ito. At si Lola, ang totoo. Ayoko sa kaniya. Dahil hinayaan niya na patirahin ni Dad sa bahay si Helena noong nasa college pa lang ako. Nagtiis ako hanggang sa maka-graduate ako. Dahil hindi ko maatim na tumira kasama si Helena sa iisang bahay. Kaya ganito ako napunta sa club.

"Hindi mo kailangan pilitin." Nakangiting wika niya sa akin.

"Ikaw ang pupuntahan ko. Hindi sila." Sagot ko atsaka ngumiti ng bahagya.

"Kaya ikaw ang paborito kong apo. Kahit gaano ka ka-busy at kasungit sa iba. Napakamapagbigay mo pagdating sa akin."

Napailing ako habang nakangiti. "Mas pipiliin ko na tumira kasama ka, kaysa kay Dad." Iyon ang totoo. Kung titira man ako kasama ni Dad, ang gusto ko wala si Helena at ang dalawa nitong anak na si Warren at Winifred.

Sumeryoso ang titig niya sa akin atsaka bumuntong-hininga. "He's still your Dad."

"But he cheated on my Mom. And because of that, Mom died. I won't forget that night." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa hawak ko na tasa. "Kung hindi siya umalis para puntahan si Helena. Hindi maaaksidente si Mom dahil sa paghabol sa kaniya—

"That's enough."

Napalunok ako at binitawan ang hawak ko na tasa dahil sa panginginig ng kamay ko sa galit nang maalala ang gabing iyon.

"He should be thankful dahil kahit kinamumuhian ko siya. Pinipilit ko pa rin na pagbigyan siya dahil sa iyo Lo." Tiim-bagang ko na saad.

"I know. Nagpapasalamat ako sa iyo dahil doon." Tumatango na turan ni Lolo habang nakatitig pa rin sa akin. "Hindi ka pa rin ba nakakatulog ng maayos kapag gabi?"

Tumango ako at pumikit. "Kung wala ka sa tabi ko noon, baka wala na rin ako ngayon."

Nang gabing iyon, kaming dalawa ni Lolo ang sumunod kay Mom nang umalis siya nang bahay na galit na galit at wasak na wasak. Kinabahan ako. Pinilit ko lang si Lolo na isama ako.

Kitang-kita ko sa aking harapan mismo, kung paano nag-agaw buhay si Mom habang isinasakay sa ambulansiya ang duguan niyang katawan dahil sa pagkakabangga ng kotse niya sa isang truck.

Napatitig ako kay Lolo nang hawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Umiling siya at nginitian ako.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog tuwing gabi. Naalala ko ang bawat detalye ng gabing iyon. At hindi ako pinapatulog nito. Lalo akong namumuhi kay Helena at kay Dad dahil doon. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon