13

69 4 0
                                    

Pahiga na ako sa kama nang marinig ko na tumunog ang phone ko. Pagkakita ko na si Eli ang tumatawag ay sinagot ko iyon kaagad.

Umupo ako sa kama at napangiti nang marinig ko ang tinig niya sa kabilang linya.

"Did I wake you up?"

"Hindi naman. Napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya.

Tumingin ako sa oras. Medyo late na. Ano kaya ang gusto ng lalakeng ito.

"Wanna come with us?"

Natigilan ako. US?

"Us?" Naisatinig ko.

"Yeah. Bukas, kasama sina Miggy."

Kumabog ang puso ko sa aking narinig. So makikila ko na ng husto ang mga kaibigan niya? Really?

"Hey."

Napapitlag ako atsaka tumango. "Yeah—

Natigilan ako bago maituloy ang sagot ko. May lakad nga pala kami nina Yssa bukas.

"Is that a yes?"

"Hmmm. Kasi..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya pero gusto ko pa rin sumama sa kaniya.

"May lakad ka?" He asked.

"Hmm wala naman. Ano'ng oras ba iyan?"

"Overnight sa isang resort."

Napaamang ako sa kaniyang sagot. Overnight? So it means mas matagal ko siyang makakasama. Niyakap ako ng sarili kong pananabik sa kaniya. Fine. Sa kaniya muna ako sasama bukas.

"Susunduin mo ako?" Kagat ko ang ibabang labi ko na tanong.

"Yeah. Saan mo gusto?"

"Okay lang sa bahay na? Para hindi na ako madala ng sasakyan? I hate driving."

"Maaga tayo ." Paalala niya.

"Yeah." Nakangiti ko na turan.

"Sige. Matulog kana."

"Hey..." pigil ko bago niya maputol ang usapan.

"Hmmm."

"I'm excited." Nahihiya ko pa na wika.

"I know.."

Tila ba nakikita ko siya na nakangisi ngayon habang nakatitig sa akin. I like him. I just like him.

Nang gabing iyon. Hindi ako nakatulog ng maayos. Para akong lutang paggising ko na nag-ayos ng mga damit na aking dadalhin. Pinili ko na magsuot ng isang sleeveless, knee-length yellow sundress. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok atsaka naglagay lang ng plain make up. Liptint lang ang gamit ko dahil natural naman ang pagkapula ng mga labi ko at medyu mamulamula rin ang pisngi ko kaya kaunting blush lang ang ini-apply ko.

Bitbit ang bag ko ay lumabas ako ng kwarto at doon nakasalubong ko si Dad.

"May lakad ka?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Kasama sina Kai?"

"No Dad. Mga kaibigan lang." I replied.

"Ang kwento ni Yssa sa akin may lakad kayo ngayon."

"I cancelled it Dad. Matagal kaming hindi nagkikita ng mga kaibigan ko–

"I didn't know na may mga kaibigan ka? Akala ko si Zander at mga pinsan mo lang."

Natigilan ako at napabuntong-hininga. "Noon siguro iyon Dad." Malamig ko na sagot atsaka naglakad na.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon