"So nakita mo nga sila?"
Nanlalaki ang mga mata ni Pia at Yssa na magkasabay pa nilang tanong sa akin habang nakaupo sa loob ng coffee shop kung saan namin naisipan na magkita. Pare-pareho kaming walang trabaho ngayon kaya kahit papaano ay naisipan ko na patulan ang pag-aya nila sa akin.
"Yeah. Halos lahat ng members ng club—
"Gosh! I'm jealous!" Nakalabing sabi ni Pia at bumuntong-hininga. "Bakit ba ang aga kong humarot at nagka-boyfriend? Hindi tuloy ako makaharot sa club. Alam mo iyon. Bantay sarado ako kay Diether."
"Ako naman okay na ako sa kilig sa kanila. May Timothy na ako eh." Ani Yssa. "Pero nandoon kasi iyong Crimson Band eh! Nandoon si Blake!"
"Oh. Kape ninyo."
Napalingon kami kay Kai na inilapag ang mga coffee na siya mismo ang nag-order para sa amin.
Kinuha ni Yssa ang kaniya at kumunot pa ang noo.
"Mali naman ang spelling ng pangalan ko Kai! Ano ba iyan!" Iritang daing niya atsaka tumayo.
"Yza. Yssa pareho lang iyon!" Pabalang na sagot ni Kai at umupo sa tabi ko. "Arte mo."
Humakbang si Yssa at naglakad papalapit sa counter at napapikit ako nang ireklamo niya ang ganoong bagay sa counter. "I'll pay again! Just please, my name is Yssa not Yza. My God."
"Nakakahiya talaga." Naiiling na sabi ni Pia at itinakip ang kaniyang hawak na kape sa mukha.
"Bakit kasi hindi na lang isinulat ang pangalan niya para naisulat nila ng tama." Tanong ko kay Kai.
"Maarte lang talaga si Yssa." Tila balewalang sagot niya.
Mga pinsan ko talaga. Pwede silang isama sa mga members ng club sa RE. Bagay na bagay sila doon.
Tatlo pa lang sila nito ah. Marami kaming magpipinsan pero sila ang madalas ko na kasama. Iyong iba nasa states iyong iba pa ay katulad ko na isinusubsob na ng magulang sa mga negosyo nila.
"Kainis." Bulong ni Yssa pagbalik.
"Gaga ka. Ilang beses mo ng ginawa ang ganiyan sa mga coffee shop na pinupuntahan natin. Ginagawa mo ba iyan kapag kasama si Timmy?"
Umirap si Yssa at uminom sa coffee niya an may tamang spelling ng pangalan niya. "Hindi. Dahil alam naman ni Timmy kung ano ang ayaw ko."
"Maarte ka lang talaga." Pang-aasar ni Kai.
Natawa lang ako sa kanila habang nag-aasaran pa rin. Pikon talaga itong si Yssa. Mapang-asar naman si Kai. Feeling ko nga sinadya niya ang paglalagay ng maling spelling sa pangalan ni Yssa eh. At si Pia naman ang madalas manermon kay Yssa. Ako naman ang referee sa kanilang tatlo.
Kinuha ni Yssa ang phone niya at nag-picture muna kami pagkatapos nilang mag-asaran. Mahilig din sila sa ganito dahil madalang lang kaming magkita.
"I'll tag Apple and Sasha with this." Natutuwang wika ni Yssa habang nakatitig sa mga larawan namin. "Maiinggit sila at nakipagkita si Frances sa atin. My Gosh!"
Siguradong magrereklamo ang mga iyon. Dahil gustung-gusto nila akong kasama hindi ko alam kung bakit.
Kumuha din kami ng larawan atsaka nag-post sa my day ko sa IG. At isa-isa na nga na nag-message ang mga pinsan namin ng puro mga reklamo.
"Natutuwa ako na naaasar sina Apple!" Tumatawang sabi ni Yssa habang patuloy ang pag-swipe sa phone niya.
"Wala ba si Fyodr? Bakit hindi mo isinama." Ani Kai sa akin.
Umiling ako at bumuntong-hininga. "May stream siya hanggang mamaya na iyon kaya hindi ko mahugot sa upuan niya."
"Kamusta naman si poging masungit?" Tanong ni Yssa.