25

47 3 0
                                    



Nagulat ako nang buksan ko ang pintuan. Si Nat ang nakatayo sa labas ng pintuan at nakangiti sa akin. Iniabot niya sa akin ang isang paper bag sabay kindat sa akin.

"Ito ang unang pagkakataon na nag-message si Eli sa akin. He asked me to bring you those." Sabay nguso niya sa hawak ko na paper bag. Pagsilip ko doon ay nag-init ang mukha ko sabay lingon kay Eli na kakalabas lang galing ng banyo at walang suot na pang-itaas.

"Mukhang wala siyang balak na pauwiin ka?"

Napatingin ako kay Nat. Nagkamot ako ng pisngi na may halong hiya. "Yeah. Parang ganoon na nga."

She chuckled and shook her head. "Okay lang iyan. Mukhang hindi naman nangangagat si Eli—

"Nat!" Halos pabulong ko na wika pero madiin. "Ano ba ang iniisip mo."

Tumaas ang isang kilay niya sabay tampal sa aking pisngi. "Blushing hard ah.."

Lumabi lang ako. Doon ay naalala ko si Miggy. "Kamusta si Miggy? Pakisabi sa kaniya ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ni Eli. Pero kinakausap ko naman siya. Medyo ayaw pa niyang pag-usapan namin—

"Okay lang." she smiled. "Ang sabi ni Miggy. Ang mahalaga ay ang nararamdaman ni Eli ngayon. Pabayaan lang daw natin siya."

Napalingon ako kay Eli na papalapit na sa amin.

"Huwag mo na lang uulit-ulitin sa kaniya ang tungkol doon. Magiging okay din sila. Paminsan-minsan, nangyayari iyan sa kanila. Pero hindi mo kailangan mag-alala. Kahit baliw si Miggy, alam naman niya kung kailan titigil pagdating kay Eli."

Tumango lang ako. Nang makalapit si Eli ay tinignan siya ni Nat.

"Hey. Be gentle okay?" Makahulugan nitong sabi kay Eli sabay kindat ulit sa akin bago ako tumalikod at itinulak pasara ang pintuan.

"Wala akong ibang maisip na tawagan." Sabi niya sa tabi ko at inakbayan ako.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Inabala mo pa si Nat."

"Wala naman siyang ginagawa. Alam ko na nasa suite lang siya ni Miguel kanina pa." Sagot niya at nauna nang bumalik papasok.

Sumunod ako sa kaniya pero huminto ako sa pintuan papasok ng banyo. Doon ako pumasok para makaligo na rin at nang makapagpahinga na kami.

Nakita ko pa siya na umupo sa kama at binuksan ang TV bago ko isinara ang pintuan. Habang nakatutok ako sa patak ng tubig mula sa shower head ay nakapikit ako at pilit iniaalis sa aking isipan ang mukha ni Dad. Pati na ang mga salita na sinabi niya sa'kin.

Nagmulat ako ng mga mata at sinalubong ang patak ng tubig pagkatingala.

Ang tanging gusto ko lang maramdaman ngayon ay ang pagtibok ng puso ko kasama si Eli.

Hindi naman siguro masama na pagbigyan ko ang aking sarili. Kahit dito man lang?

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo suot ang itim na shorts ni Eli pati na ang medyo maluwang niya na puting t-shirt na may itim na spade heart lamang.

Nagpupunas ako ng buhok nang makitang wala si Eli sa kama kaya naman humakbang ako papuntang kusina.

Doon, nakita ko si Eli na nakatayo sa harap ng bukas na pintuan.

Humakbang ako papalapit sa kaniya. Nang tuluyan ako na makalapit ay sinilip ko kung sino naman ang kausap niya.

Napaatras ako ng isang beses pabalik nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ni Eli.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon