"Nagkalat ang mga picture ninyo na iyan ni Zander sa social media. Pagkatapos I-send ang mga larawan sa IG ni Eli ay mabilis na nai-post din iyon. Kaya hindi na ako magtataka kung marami na ang nagme-message sa iyo. Tama ba?"
Napasandal ako sa kinauupuan ko habang sapo ang aking sentido. Bukod sa galit na si Eli sa akin, nakakahiya pa kay Zander dahil nadamay pa siya rito. Pero wala naman ibig sabihin iyon. At walang katotohanan na niloloko ko si Eli.
"Ganiyan talaga, may mga fans na toxic. Akala ko dati iba ang mga fans naming. Nagkamali pala ako. Kailangan pala naming mag-ingat din." kibit-balikat na wika ni Blake.
"Huwag kang magpaapekto. Hindi naman sila ang kailangan mong intindihin." ani Czai at ngumiti sa akin. "Si Eli. Pero huwag muna ngayon."
Tumango si Damon na busy sa pag-aayos ng clip sa buhok ni Czai na medyo kumawala sa buhok nito. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pangungulila kay Eli. Kanina lang na magkausap kami ay ramdam ko ang hinanakit niya sa akin. Ang hirap lang dahil wala naman katotohanan ang ibinibintang sa akin. Pero kung mahusgahan ako, parang niloko ko talaga siya. At bakit ang bilis naman niyang maniwala?
"Nahihirapan lang siyang magtiwala."
Napatingin ako kay Miggy. Ngumiti si Miggy at nagkibit-balikat.
"Pero madali rin mawala ang kaniyang tiwala sa taong pinagkalooban niya nito." tumawa ito ng pagak at napailing. "He's been through a lot. At wala siyang nagging sandalan. Oo, nalilibang naming siya. Paminsan-minsan. Pero sa tuwing sasapit na ang gabi, madalas.." huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin. Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata nito bago umiwas ng titig sa akin. "Madalas nag-aalala ako sa kaniya kung paano niya nalalampasan ang mga gabi na alam kong doon siya mismo dinadalaw ng mga nangyari sa kaniya noon pa. Nag-aalala ako sa kaniya. Palagi. Kaya hindi ko rin siya masisi kung bakit madalas ay wala siya sa tono."
Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi ni Miggy. Pero ramdam ko kung paano siya nag-aalala kay Eli.
Gusto ko rin siyang maging masaya. Gusto ko siyang mapangiti lagi.
Pero ngayon palang, imbis na pagaanin ko ang loob niya. Mas Lalo ko itong dinagdagan. Mas Lalo ko pa na pinabigat ang kaniyang kalooban.
"Seryoso siya sa iyo. Iyon ang nakikita ko. Dahil hindi naman niya gagawin ang mga iyon kung hindi, tama ba?" singit ni Nat.
"Sa ngayon, hayaan muna natin siya. Knowing him. Wala siyang pakikinggan ngayon." dagdag ni Miggy. "Sorry pero kahit ikaw, tingin ko ay hindi uubra sa sitwasiyon ngayon."
May kirot sa puso ko nang sabihin iyon ni Miggy. Ang katotohanan na galit ngayon si Eli sa akin at siya mismo ang tumapos ng relasiyon namin ay labis na nagpapabigat sa aking kalooban.
Tumayo si Nat at niyakap ako. "Hey. Cheer up. Magiging okay din ang lahat. Wala ka naman ginawang mali. Okay."
Wala nga ba? Hindi ako nagiging tapat sa kaniya. Kaya may karapatan siya na magalit at manumbat. Ni hindi ko nga masabi sa kaniya ang tungkol kay Cloud.
Nanh tumunog ang phone ko at nakitang si Zander ang tumatawag ay sinagot ko iyon kaagad. Tumayo ako at lumabas para doon siya makausap.
"Okay ka lang? Kamusta ka?" iyon ang bungad niya sa akin sa kabilang linya
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Ano ka ba. Ikaw ang nadamay sa isyu na iyon. Nakakahiya. Pasensiya kana."
"Huwag mo na lang pansinin ang mga sinasabi nila sa iyo. Huwag ka ng magbabasa ng mga balitang iyon tungkol sa iyo. Okay."