Pagpasok ko ng AD Café ay hinanap kaagad ng aking mga mata sina Nat at Czai. Pero ang una ko naman Nakita ay si Raven na nakadikit kay Eli habang nakatayo sila malapit sa counter ng café. Kasama nila sina Damon at Blake na nagkukwentuhan doon. Napatitig ako sa suot ni Raven. Naka-satin sleeveless, champagne midi dress ito na talagang nag-depina sa hubog ng kaniyang katawan. Naka-bun ang buhok niya kaya mas nahantad ang kaniyang balikat at hanggang braso.Ganito ba talaga siyang mag-damit? O sadiyang ibinibilad niya ang kaniyang balat sa harapan ng lahat? O kay Eli lang? Never pa akong nakaramdam ng ganitong pagkairita sa isang tao, Lalo na isang babae. Madalas kinakaibigan ko sila. I just don't like her guts. Masyado siyang halata at nakakainis iyon.
Dahil grand opening ng AD Café ay nandito halos ang mga club members para makisama sa selebrasiyon . Siguro para makadagdag na rin sa atensiyon ng mga guest at pumunta rito.
Kaya medyo maingay sa loob. Marami na rin nakatambay sa labas pero mas marami sa loob. Hindi ganoon kasikip dahil Malaki ang café.
Napairap ako nang Lalo pang dumikit si Raven kay Eli.
Hahakbang na sana ako papasok para lapitan sina Eli nang mapadaan si Cloud at makita ako.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa atsaka binalikan ang aking mukha. Ngumiti siya at humalukipkip.
"Gorgeous." he muttered while staring at me.
Naka-pulang side-slit midi dress ako at katulad ni Raven ay nahahantad din ang aking balikat maging ang aking kaliwang hita sa tuwing hahakbang ako dahil sa slit na mayroon ang dress ko. Sinipat ko na ang aking repleksiyon sa salamin kanina, alam ko kung gaano lumulutang ang makinis at malaporselana kong balat dahil sa kulay ng suot ko. Nakikibagay lang ako sa suot ni Nat na ipinasa niya sa messenger sa akin.
"Thanks." sagot ko at binigyan siya ng hilaw na ngiti.
Sasagot pa sana siya nang may babaeng lumapit sa kaniya. Nakaitim na eleganteng dress ito pero halatang may pagka-conservative ito. Maganda siya at nasa awra niya ang pagiging suplada.
Nakita ko kung paano itinikom ni Cloud ang bibig na parang bata bago tumingin sa akin.
"Hey, akala ko hindi ka darating?" aniya sa babae atsaka muling tumingin sa akin. Tumingin din sa akin ang babae kaya ngumiti ako sa kaniya.
Hindi ito ngumiti pero tinanguan naman ako. Pero nababasa ko sa kaniyang mga mata ang bahagyang paglungkot ng mga ito matapos niya akong makita.
"Hi." matipid nitong bati sa akin at inilahad ang kamay sa akin. "Millicent." pakilala niya.
Napaawang ang bibig ko nang marinig ang pangalan na ibinigay niya. Siya iyon. Si Milli?
Tumango ako at tinanggap ang kaniyang pakikipag-kamay. "Frances. Nice to meet you." pormal ko na sabi.
Nilingon nito si Cloud at pinakawalan ang kamay ko. "Mahilig ka pala sa bata. Kaya pala." makahulugan nito na sabi sa kaniya bago tumalikod.
Nang tignan ako ni Cloud ay ngumiti siya at kumindat. "Siya si Milli. Girlfriend kong selosa." he whispered and waved his hand before he left. Napailing lang ako habang nakasunod ng tingin sa kanila. So that's Millicent. Ang babaeng sinasabing kinababaliwan ni Cloud.
Muntik na akong mapasigaw nang may humawak sa aking balikat mula sa likuran. Paglingon ko ay si Nat ang aking Nakita kasama si Miggy na nakangiti sa akin.
"Kanina ka pa?" tanong ni Nat. Kumapit siya sa braso ko at bahagyang kinurot ang aking tagiliran. Natawa ako sa kaniyang ginawa. "Seksi natin ah."
"Ginaya ko lang ang outfit mo." natatawa ko na sagot. Luminga ako sa likuran para hanapin si Czai.