20

72 3 0
                                    


"Ano'ng sabi ng Mom ni Damon?" Tanong ko kay Czai nang ibalita niya sa amin ni Nat na nagkita na sila ng ate ni Damon.

"Hindi pa kami nagkita ng Mommy niya. Si Ate Dionne pa lang at si Dawn. Pero okay naman din kami ni Ate Dionne." Sagot ni Czai.

"Hmm sa pagkakakilala ko kay Damon, ipu-push niya iyan kahit ayaw ng Mom and Dad niya. I mean, alam naman natin kung paano siya lumaban." Komento ni Nat atsaka ininom ang natitirang laman ng beer na hawak niya.

Nasa isang bar kami ngayon at hinihintay sina Eli. May gig sila sa club at napag-usapan ni Nat at Miggy na dito na magkita. Hindi alam ni Eli na nandito ako ngayon.

"Kayo naman ni Eli? Kamusta kayo? Mukhang may maganda ng nangyayari sa inyo ah? Magkwento ka naman." Nanunudyo na bulong ni Nat atsaka ako bahagyang siniko.

Tumawa ako ng mahina. "Okay naman kami. We're working on it."

"Hindi kaba nahihirapan sa lokong iyon? May pagkabaliw iyon. Hindi ka natatakot?"

Natawa akong muli sa sinabi ni Nat at umiling. "Hindi naman ano ka ba. We're good."

Inilapag ni Czai ang ladies's drink na hawak niya sa mesa. "Nakaka-intimidate kaya ang mga titig ni Eli. Nagtataka nga ako, dahil kapag ikaw ang kasama niya madalas ko siyang makitang alam mo na. Ngumiti. At hindi ako makapaniwala."

"Sang-ayon ako doon." Wika ni Nat at nakipag high five pa kay Czai.

Magsasalita sana ako nang may umupo na lalake sa tabi ni Nat at inakbayan ito.

Napalingon si Nat sa lalake at mabilis na inalis ang kamay nito sa kaniyang balikat.

"What do you think you're doing?" Medyo tumaas ang boses ni Nat. Pero ngumisi lang ang lalake atsaka akmang hahawakan sana ulit si Nat pero maagap na nahawakan ni Miggy na kadarating lang ang braso nang lalake.

"Don't you dare.." seryosong sambit ni Miggy at kahit madilim sa loob ng bar ay kitang-kita ko ang tila umaapoy na titig nito sa lalake.

Tumayo ang lalake at nakangising tinabig ang kamay ni Miggy atsaka tumawa ng pagak.
"Relax. Binabati ko lang naman si Nat. Masyado kang mainit."

"Leave her alone. Please." Madiin na utos ni Miggy at sinulyapan si Nat na medyo nawala sa mood. Binalikan niya ng tingin ang lalake. "Just leave. Tigilan mo siya. Patahimikin mo siya."

Nagkibit-balikat lang ang lalake atsaka akmang hahawakan ulit si Nat pero iniharang ni Miggy ang sarili. Hinawakan sa braso ang lalake para hindi mahawakan si Nat.

Natawa ang lalake at binawi ang sariling braso kay Miggy. Itinaas niyo iyon sa ere at nakangising umalis.


"Okay ka lang?" Tanong ko kay Nat habang nakatitig sa mukha niya ba tila ba nagkaroon ng kaunting pag-aalala.

Tumango siya at nang maupo si Miggy sa tabi niya ay inakbayan siya nito. Dinala siya sa dibdib nito at hinaplos ang buhok niya. "Sorry." Iyon lang ang sinabi ni Miggy. Pagkatapos ay narinig na namin ang paghikbi ni Nat.

Nagkatinginan lang kami ni Czai at parehong nalilito.

"Nakasalubong ko si Miko." Ani Blake nang makalapit sa amin.

Isang matalim na titig ang ibinigay ni Miggy kay Blake. Na mukhang naintindihan naman nito kaya hindi na muling nagsalita pa.

Nang makita ko si Eli na papalapit at kasama sina Damon at Lee ay napangiti ako. Nang mapatingin siya sa direksiyon ko ay napatitig siya sa akin. Kumaway ako at ngumiti sa kaniya.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon