"Bakit hindi na lang tayo ang tumingin sa resulta? Para saan ito? Ni hindi man lang ako ang unang nakakita sa resulta kung ano'ng gender ng baby natin?-
Natatawa ako na tinakpan ang bibig ni Eli habang nagsasalita siya nasa byahe pa kami papunta sa club para doon ganapin ang gender reveal ng baby namin pagkatapos ng ultrasound ko kahapon. Ang nakaisip nito ay ang mga pinsan ni Eli. Kahit sina Nat ay gustung-gusto ito. Pero ang tanging nakakaalam ng gender ng baby namin ngayon ay si Tita Reyna. Ang mommy ni Liam na excited pa sa baby kaysa sa amin.
At ang totoo ay hindi sang-ayon si Eli dito. Knowing him? Hindi talaga. Pero para sa akin ay pumayag siya. Pero reklamo pa rin ng reklamo.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakatakip sa kaniyang bibig at inihinto ang kotse sa tabi ng club.
"Pagbigyan na natin. Atsaka mukhang masaya ito. Nae-excite din ako sa mangyayari." Malambing ko na sabi sa kaniya.
Tumitig lang siya sa akin.
Hindi pa rin siya okay. Naiinis pa rin siya kahapon pa. Ayaw din ibigay ni Tita Reyna ang resulta kahapon sa kaniya kahit paulit-ulit niya itong kinukuha.
Apat na buwan na ang baby sa tiyan ko at masasabi ko na lahat ata ng hirap sa pagbubuntis ay pinagdadaanan ko ngayon.
Pero kahit papaano ay naiibsan ang hirap dahil sa mga mahal ko sa buhay. Ang mga pinsan ko, mga kaibigan namin ni Eli, kahit ang mga pinsan at kamag-anak ni Eli sa both side ay laging nakaantabay sa akin. Parang biglang lumubo ang pamilya na mayroon ako. Kahit alam ko na ilang pa si Eli sa lahat ay nakikita ko na nag-e-effort naman siya sa lahat.
Masaya rin ako sa suporta ng Dad niya na mas madalas ko pa na kausap kay Dad ngayon. Busy si Dad ngayon dahil pinatigil ako ni Eli sa pagha-handle ng hotel. My Dad and him aren't still in good terms. Maging kay Lolo. Pero sa mga pinsan,tito at tita ko ay okay naman si Eli. At si Fyodr? Gustung-gusto ng umuwi pero hindi pumayag muna si Dad. Si Eli ang naunang nagsabi sa kaniya na buntis nga ako. And he supports us so much.
Hindi man ganoon kakumbinsido si Dad sa amin ni Eli ay pumayag siya na ikasal kami this coming week kahit simple na lang muna. Iyong kami-kami lang. Mas gusto ko kasi iyon kahit gustung-gusto akong bigyan ng magarbong kasal ni Eli.
"Ang hilig ninyo sa mga ganito. Para kayong mga bata." Daing niya. Umiling siya at muling binuhay ang makina ng kotse matapos bumukas ang mataas na gate ng club. Ang club kung saan una kaming nagkita. Kung saan ko nasilayan ang mga mata niya na nakatitig sa akin ng wala man lang pag-aalinlangan na makikita. Napangiti ako ng makapasok kami ng mismong club. Hindi madalas si Eli ngayon dito. Minsan sa condo kami minsan sa bahay kahit hindi sila gaanong nag-uusap ni Dad at madalas ay sa bahay nila. Simula nang mawala si Helena sa bahay nila ay naging madalas na kami ni Eli doon.
At nakikita ko ang unti-unting pagkakalapit niya sa Dad at Lola niya. Alam ko na sinusubukan niya. At masaya ako doon.
Nang makarating kami sa function hall ng club kung saan madalas ginaganap ang mga importanteng event para sa mga club members ay sinalubong kami ng mga kaibigan at kamag-anak namin na hindi ko in-expect na nandito halos lahat.
Niyakap ako ni Czai at Nat nang makasalubong ko sila. Maging ang mga pinsan ko ay sumalubong sa amin. Kaagad na binati nina Kuya Austin si Eli at ginulo ito. Okay na rin sila ni Kai pero nagsusungitan pa rin minsan.
Sumali na rin ang mga kaibigan namin. Sina Miggy sa pang-aasar kay Eli dahil hindi man lang niya itinago sa mukha ang pagkadisgusto sa ganitong ideya. Pero wala siyang magawa. I want this too! It excites me!
"Frances.."
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung maluluha ako o ano nang makita ko si Dad na nakatayo sa harapan ko.