Hindi ko maitago ang tuwa sa aking mga mata nang makita ang sasakyan niya na huminto sa tapat ng van na gagamitin namin na magpipinsan sa lakad na pinag-usapan namin. Lahat ng mga pinsan ko ay napatitig sa humintong sasakyan at napakunot ang kanilang mga noo nang makitang bumukas iyon.
Nakasabit sa balikat niya ang kaniyang itim na bag nang bumaba mula sa sasakyan. Naka-puting baseball cap siya habang may suot na itim na facemask. Kahit medyo madilim pa dahil madaling araw pa lang ay tila ba kumikinang siya sa ilalim ng madilim na langit sa aking paningin.
He's wearing a gray pull-over hoodie jacket paired with dark jeans, black and white sneakers. Mukhang hindi siya kaagad nakilala dahil sa suot niyang facemask. Nakakapagtaka dahil naka-facemask siya ngayon.
Humakbang ako papalapit sa kaniya nang maisara niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan.
"Hey. Are you sick?" Nag-aalala ko na tanong atsaka sinalat ang leeg niya.
Ibinaba niya ang suot na facemask at inilapit ang mukha sa aking tenga.
"Nagising ako kaninang umaga nang ganito na ang boses ko. Inuubo at sinisipon din ako."
Napaamang ako at hinaplos ang pisngi niya. Medyo paos nga siya nang magsalita kahit pabulong lang. Ibinalik niya ang facemask at tumingin sa mga nasa likuran ko.
Nanlalaki ang mga mata nina Yssa habang nakatitig at mukhang hindi makapaniwala sa nakikita.
Yssa pointed a finger on us. Then she looked at Sasha beside her. "Oh my! That's Eli right? Right? Hindi ako nagkakamali? Tama ba?"
"Yeah. Si... Si Eli nga..." nakaawang ang bibig na sang-ayon ni Sasha.
"Gwapo nga siya.." patangu-tango na wika ni Ate Kate habang nakatitig sa amin.
Humakbang si Pia papalapit sa amin at bahagya akong hinila papalayo kay Eli. Napangiwi ako nang abutin niya ang facemask ni Eli at ibaba iyon.
Naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig. Baka kasi mapikon si Eli sa ginawa niya dahil kumunot ang noo nito.
Napatingin sa akin si Apple at bahagyang hinila ang buhok ko.
"B—Bakit kasama mo siya? Huh?" Hindi rin niya makapaniwala na tanong.
Napahaplos ako sa batok ko at lumapit kay Eli. Lahat sila ay nakatitig sa amin at naghihintay ng aking sasabihin.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Kuya Austin at Kuya Siegfried. Humalukipkip naman si Kai habang nakatitig ng mataman kay Eli. Nakapamulsa naman si Kuya Kairus at ngumisi lamang.
"Woah. So that's Eli. Iyong nasa mga posters sa mga kwarto ninyo." Komento ni Percival habang titig na titig kay Eli. Inakbayan niya si Fyodr at ngumisi. "Hey Fyodr. Mukhang may boyfriend na si Ate France—
"Tss." Fyodr uttered and walk away.
"Uy! Fyodr." Habol ni Percival dito at sumunod sa kaniya papasok ng van.
Napailing lang ako sa ginawa ni Fyodr. Kailangan talaga ipakita na ayaw niya sa kaniyang nakita?
"Hi Eli..." kiyeme na bati pa ni Yssa nang makalapit at inilahad ang kamay. "Yssa Chavez. Pinsan ni Frances. Kaibigan ka pala niya."
Tumitig si Eli sa kamay ni Yssa at tinanggap iyon. "I'm her boyfriend actually—
"WHAAAAAAT?"
Sabay-sabay na bulalas nina Apple, Sasha at Yssa. Maging si Pia ay napaamang sa narinig.
Nakita ko kung paano tumalima ang mga kuya at pinsan kong lalake.
