Napalingon sa akin ang bunso at nag-iisa kong kapatid mula sa paglalaro niya ng mga online games sa kaniyang phone matapos ko siyang kalabitin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa mga ganiyang laro at nakuha niya pang magpagawa ng kaniyang sariling gaming room sa bahay. Bata pa lang siya ay mahilig na siya sa mga ganiyang laro kaya hanggang ngayon na nasa junior high na siya ay ganito pa rin ang mga libangan niya. Well, pinagkakakitaan naman niya ito dahil sa pag-stream niya. Hindi ko alam kung bakit siya sikat sa mga netizens bilang streamer. Minsan ko nang pinanood ang live stream niya, hindi naman siya madalas magsalita. Hindi rin naman siya palabiro sa mga stream niya. But he has a lot of viewers and followers.
Maybe because he plays well. Matalino at gwapo si Fyodr kaya marami siguro ang tumatangkilik sa kaniya.
"I hope hindi kana naglalaro habang nasa klase ka. Kapag naulit ang ganoong bagay Fyodr, si Dad na ang kakausapin ko."
Hindi siya sumagot at muling ibinalik ang mga mata sa kaniyang phone.
Hindi naman problema ang mga grades niya dahil kahit babad siya sa mga larong ganito ay nakukuha pa niyang mag-top sa klase. Masasabi ko na mas matalino siya kaysa sa akin, pero mukhang hindi niya lang ito pansin. Parang natural na ito sa kaniya.
But I hope that he enjoys his life with those games that he's addicted to. I love Fyodr so much. Simula nang ipinanganak siya, isa ako sa mga iilan na natuwa sa pagdating niya sa mundong ito. Pero isa si Dad sa mga maraming tao na hindi nakaramdam ng tuwa dahil sa pagkatapos siyang iluwal ni Mommy ay nawalan na ito ng buhay. Namatay si Mommy matapos iluwal si Fyodr. At hindi iyon naging okay kay Dad. At dahil sa malamig na pakikitungo ni Dad kay Fyodr, doon ko naisip na ako ang magiging responsible para kay Fyodr. Dahil alam ko, kung nabubuhay man si Mommy. Ito rin ang gagawin niya.
Nang ihinto ko ang aking sasakyan sa harapan ng university na pinapsukan niya ay hinalikan ko siya sa noo bago hinayaan na bumaba na.
Pagkasara ng pintuan ay kitang-kita ko kung paano siya pagtinginan ng mga kababaihan. Pero mukhang hindi naman siya aware doon dahil busy siya sa kaniyang phone.
Napailing lang ako atsaka na nagpatuloy sa byahe.
Maaga pa naman kaya mukhang aabot pa rin ako sa meeting ko sa Royal Empire. Napakatagal bago nila nasagot ang ni-request namin na meeting kina Gray at Cloud. Pero at least, pumayag din sila. Totoo nga ang mga balitang naririnig ko. Na sobrang hirap hulihin ng mga owner ng club na iyon.
"Bakit hindi ko pwedeng ipasok ang sasakyan ko? I mean do you want me to walk from the entrance papunta sa office ni Mr. Galvantez at Mr. Azarcon?" Hindi ko makapaniwala na tanong habang nakabukas ang bintana ng kotse ko at kausap ang security guard na nakabantay sa gate.
"Ma'am kailangan muna ninyong i-park ang kotse ninyo doon sa parking lot para sa mga guest, then may E-Jeep po tayo sa loob para masasakiyan ninyo papasok mismo ng club. Pero kailangan muna din ninyong pumasok muna dito sa security office namin para malaman namin kung ano ang sadya ninyo dito. May proseso pa tayong sinusunod pagdating sa pagpasok ng club. Pasensiya na po."
Napabuntong-hininga ako atsaka tumango. Mahirap na ngang kumuha ng meeting sa mga owners, pati dito sa pagpasok sa mismong club ay may proseso pa.
I chose to follow the rules that the security had given me. Hindi naman ako tumagal sa office dahil nasa list naman ako ng mga guest ni Gray at Cloud.
Tumingin ako sa wrist watch ko. May ilang minuto pa naman ako.
Medyo nainip ako dahil wala akong makitang E-Jeep na nakaparada sa main entrance ng club.
