50

97 4 0
                                    

"Just get out Dad. Leave me alone. Like you always do."

Iniiwas ko ang aking paningin matapos kong sabihin iyon kay Dad nang Makita ko siyang pumasok kasama si Lolo.

"Eli.." tawag niya sa akin ngunit hindi pa rin ako lumingon. What the hell is he doing here? After what happened? May mukha pa siyang ihaharap sa akin?

"Hindi ko gustong mangyari ito sa iyo.."

Napabuga ako ng hangin sa ere at doon siya tinignan nang sabihin niya ang mga iyon.

"Really? Kung sabagay, palagi naman ganiyan ang sinasabi mo. Katulad noong maaksidente si Mom. Hindi mo rin ginusto?" natawa ako ng pagak sabay iling. "Hindi mo ginusto pero kasalanan mo."

Humakbang siya papalapit sa akin kaya mas lalong tumalim ang mga titig ko sa kaniya.

" I know. Kasalanan ko--

"Yeah!" hindi ko napigilan na mapataas ang aing boses. "That's right. Kasalanan mo ang lahat. Kasalanan mo kung bakit namatay si Mom. Kasalanan mo kung bakit nasira tayo. Kasalanan mo kung bakit ako naaksidente. At ikaw ang dahilan ng pagiging miserable ko ngayon. That's why I became like this."

"Eli. Kausapin mo ng maayos ang Dad mo. Listen to him."

I looked at Lolo and shook my head. "What the hell is he doing here Lo? I told you. Wala na. Tapos na. Siya ang dahilan nito. Mahirap ba na intindihin iyon? Bakit hindi ninyo makuha? Kahit ano pa ang gawin natin, hindi na ito maayos. Hindi na..." Blanko ang ekspresiyon ko nang tignan ko si Dad. Namumula ang kaniyang mga mata na nakatitig lamang sa akin. "Alam mo hindi ba? Alam mo na simula noong mawala si Mom ay hindi na tayo babalik pa sa dati. Simula noong iniuwi mo si Helena sa Bahay ay hindi na ako magiging maayos pa. At nang paalisin mo ako nang bahay nang gabing iyon at mas pinili si Warren, mas ipinamukha mo sa akin na wala akong lugar sa bahay na iyon."

"Ikaw ang naunang nanakit--

"Does it really matter kung nauna ako? Anak mo ako hindi ba? I am your son. Pero sa ginawa mo, mas kinamuhian ko silang lahat. Huwag siyang magpapakita sa akin. I'll ruin that bastard's face!"

Nang akmang lalapit pa siya sa akin ay pinilit ko na makatayo kahit masakit ang braso at buong katawan ko sa mga natamo ko na sugat at pasa dahil sa pagkaka-aksidente ko.

"Aalis ka o ako ang aalis?" madiin ko na hamon sa kaniya atsaka kinuha ang phone ko sa mesa sa tabi ko.

"Eli ano ka ba? Hindi kapa pwedeng lumabas ng ospital. Pangalawang araw mo palang. You need to stay here." awat ni Lolo sa akin. Lumapit siya sa akin pero nakipagtagisan ako ng titig kay Dad.

Nakita ko kung paano bumagsak ang kaniyang mga balikat atsaka tumango. "Ako na ang aalis Dad. Let him stay here. He needs to recover."

Nang muli niya akong tignan ay umiwas na ako at bumalik sa kama. Hindi ko na siya tinignan hanggang sa marinig ko na ang pagsara ng pintuan.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone at galit na ibinato sa pader. Hindi ko napigilan na tabigin ang mga bagay na nakikita ko sa mesa kaya tumilapon lahat ang mga iyon sa sahig. Lumapit si Lolo sa akin pero pinigilan ko siya .

"I need to be alone. Just leave." mahinahon ko na wika habang nakatitig lamang sa mga nabasag na baso sa sahig.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Pero kung magpapatuloy kang ganiyan, mahihirapan ka. Galit din ako sa Dad mo. But he's trying to reach out. Giving him a chance is hard. At alam ko na hindi nagugustuhan ng Mommy mo ang nangyayari sa inyo ng Dad mo."

Nag-angat ako ng tingin kay Lolo. Umiling ako. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko habang nakatitig sa kaniya.

"Kung hindi man masaya si Mom ngayon? Iyon ay dahil sa ginagawa ni Dad. Kung nahihirapan man ako ngayon, kasalanan ni Dad iyon. At huwag kang mag-alala Lo. Mahirapan man ako, sanay na ako." Tumingin ako sa kawalan. Bumuntong-hininga. "I believe in second chances, Lo. But Dad doesn't deserve it."

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon