55

101 4 0
                                    












"Wake up. France..."

Dahang-dahan na nagmulat ng mga mata si Frances nang haplusin ko ang kaniyang pisngi. Nang tuluyan siyang nakamulat ay marahan siyang umupo at sinapo ang kaniyang sariling noo.

"Are you alright? Namumutla ka?" Nag-aalala ko na tanong habang hawak ang kamay niya.

"Ikaw? Okay ka lang? Bakit mo ginawa iyon?"

Umupo ako sa kaniyang tabi tsaka bumuntong-hininga.
"Alam niya kung ano ang relasiyon natin. Wala akong pakialam kung ano ang problema niya. I just wanna ruin his face for dragging you in to that issues. I told you before. Okay na na ma isyu basta tayong dalawa ang nandoon. Pero kung may ibang kasama at sisirain lang tayo, ibang usupan iyon."

Inabot niya ang mukha ko na alam kong may iilan na pasa pati na ang sugat ko sa sulok ng aking mga labi.

"Don't you worry. Mas marami siyang pasa sa akin." Nakangisi ko na sabi atsaka tumayo. "Come on. Pack your things. We're leaving."

"Saan tayo pupunta?"

Nilingon ko siya at binigyan ng seryosong titig. "Sa lugar ng tayong dalawa lang. Kung saan walang manggugulo sa atin. Iyong hindi tayo makikita ng Dad mo." Pagtalikod ko ay naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Saan tayo pupunta Eli.."

Muli ay nilingon ko siya. Namumutla siya at tila ba nanghihina pa. Kaya ako na ang lumapit sa kaniya.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinawakan niya ang kamay ko doon.

"Saan tayo pupunta?"

"Si Luke na ang bahala sa atin. Just pack your things. Hinihintay na tayo ni Luke doon." I kissed her on the lips before letting her go. "Trust me. Please." Nang tumango siya at kumilos na rin ay doon ako nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ay siya naman ang tinulungan ko.


Pagbaba namin ay kaagad akong sumakay sa kotse kasama siya. Nang akmang paaandarin ko na ang  makina ng kotse ay doon siya nagsalita.


"I forgot my phone." she muttered and was about to opened the door when I held her arm.


"Forget it. We need to go. Okay."


"But.."


"We need to go." pagpupumilit ko atsaka na binuhay ang makina ng kotse ko. Pinaharurot ko kaagad ito kay nagulat pa siya at napahawak sa aking bso.

"Careful.." nakakunot ang noo niya na paalala.


Tumango ako, binagalan ang pagmamaneho. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang siya at sa tuwing susulyapan ko siya ay mababanaag sa kaniyang mukha ang pagkalito.


"We're going to Balesin Island.."


Napasulyap siya sa akin na may pagkagulat sa kaniyang mukha.


"Are you even a member of that club?"


Umiling ako at ibinalik sa daan ang aking paningin.

"No. Si Luke. Siya ang pupuntahan natin doon. At wala siyang sasabihan na iba. Makakapag-relax ka doon. Ilang beses na akong pumunta doon kasama sina Liam." I took a glance of her and caressed her face. "You can rest there."


T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon