Nat
Gusto mong sumama? May lakad kami nina Czai kasama ang barkada.Nat
Wala si Eli. Huwag kang mag-alala. Napagkasunduan nila na huwag bitawan ang banda pero mas naging malala siya. Wala na siyang kinakausap. Kung kailangan lang ay doon siya magsasalita. Iyon ang kwento ni Miggy. Kahit si Miggy, hindi nya kinakausap.Miggy
Bumalik na siya. Pagkatapos ng dalawang Linggo, siya pa rin naman ang nag-decide kung itutuloy pa namin ang banda. But he became worse. Actually, hindi ko pa siya kinakausap. It scares me Frances. Hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya. Pero don't you worry, he's fine.Czai
May lakad kami. Sama kana. We missed you. Bakit kung kailan open na ang Iremia ay doon kapa madalas na wala dito.Blake
Hey. Kamusta ka? I hope you're fine. Okay naman si Eli. Mas malala nga lang siya ngayon. Mas umiksi ang pasensiya. Kailan ka dadaan ng club? Nami-miss kana ng mga girls.Napangiti lang ako sa mga mensaheng nabasa ko mula sa mga kaibigan namin ni Eli. Dalawang Linggo na akong hindi pumupunta ng club. Nagpaka-busy ako sa Iremia branch two kasama si Dad dahil may pinagdadaanan na kaunting problema ang hotel. Kaya naman dito kami nagpo-focus.
Madalas din akong nasa school ni Fyodr. Para asikasuhin ang mga grades niya na biglang napabayaan. Kinausap ko siya tungkol doon kung ano ang naging problema. Sobrang baba ng mga grades niya kaya sobrang na-disappoint ako. Hindi naman siya ganito dati. Kaya hanggang ngayon ay pinagdidiskusiyunan namin iyon.
Katulad ngayon, nasa school ako at kakatapos lang namin mag-usap ng kaniyang guro. At doon ko nalaman na may mga araw na hindi siya pumapasok. Pero alam namin na pumapasok siya. Ang sumbong pa ng guro niya sa akin ay madalas siyang tulog sa klase minsan naman ay nasa sulok at naglalaro sa kaniyang phone. Kaya mas lalong sumakit ang ulo ko sa aking mga nalaman.
Pag-uwi namin ng bahay ay nakasunod ako sa kaniya habang paakyat siya nv hagdanan.
"Fyodr, for God's sake. Ano ba ang ginagawa mo. Isang taon na lang gagraduate kana ngayon kapa magloloko? Tell me? Ano ba ang gusto mong mangyari? May problema kaba? Ano ba? Fyodr!" Tumaas na ang boses ko kaya huminto na siya sa paghakbang at hinarap ako. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig ng matalim sa akin. Marahas niyang tinanggal ang kaniyan suot na earphones.
Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong tignan ng ganiyan ngayon.
"Wala akong problema. Tinatamad na ako sa ginagawa ko sa school. Nakakasawang pumasok araw-araw." Nakaismid niya na sagot sa akin at muli sanang ilalagay ang earphones niya pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Umayos ka Fyodr. Gusto mo ba lalong magalit si Dad sa iyo? Gusto mo ba na lalo siyang lumayo sa iyo sa ginagawa mo—
"That's nonsense ate." Madiin niyang putol sa aking mga sasabihin. "For sixteen years of existence, never akong nakatanggap ng ano mang simpatiya kay Dad. He treats me like I'm just nothing. Parang wala lang ako. Tingin mo importante pa sa akin kung ma-appreciate man niya ako o hindi? Sino'ng niloloko mo? Sino ba naman ang magkakaroon ng amor sa naging dahilan ng pagkawala ni...." napaiwas siya ng tingin. "Tss. Tingin ba ninyo kayo lang ang nahihirapan? That's bullshit!" Nang humakbang siya paalis ay hinawakan ko siya sa braso pero pumiksi siya at nagpatuloy sa paghakbang.
"Fyodr!"
Huminto siya sandali bago lumingon sa akin. Pulang-pula ang gwapo niyang mukha na bakas ang sobrang hinanakit sa dibdib.