"Are you sure about this? Aalis ka? Iiwanan mo ako?"Tumango si Fyodr habang tinutulungan ko siyang ayusin ang mga gamit niya sa maleta. Nandito rin sina Kuya Austin at Kuya Sieg. Si Sydney ay nandito rin kasama si Sasha.
"Kailangan talaga gawin ito ni Tito? I mean, hindi ko alam kung bakit ka niya ginigipit ng ganito. Kung ayaw man niya kay Eli, 'di ayaw niya. Hindi naman siya ang makikisama sa kaniya. Ikaw." Nakahalukipkip na sabi ni Sasha habang nakatitig sa amin.
"Sasha. Watch your mouth. Baka marinig ka ni Tito lagot ka kay Dad." Sita naman ni Kuya Sieg sa kapatid.
"Gusto ko rin ito. Gusto ko rin magpahinga muna."
Napatitig ako kay Fyodr. Nakatitig din siya sa akin atsaka ngumiti pagkatapos. Pero nasa mukha ang lungkot at pagod sa kanyang mga mata.
"I'm fine. Sorry if I'm leaving you like this. Alam ko na mas okay kung wala ako dito para makapag-decide ka para sa sarili mo. I'm sorry ate."
Natahimik ang mga pinsan namin nang yakapin ko si Fyodr. Nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ay pigil ko ang aking sarili na huwag maiyak.
"I'm sorry Fyodr." My voice trembled.
"Thank you. For staying with me. Kahit ang kapalit nito ay hindi mo na nabigyan ng oras ang sarili mo. Ayoko na gamitin ako ni Dad para lang makuha ang nais niya." Lumayo siya ng kaunti sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. "Just promise me to choose what will make you happy. Na maiintndihan ni Dad. Huwag kang magsawa na sabihin iyon sa kaniya. Time will come, maiintindihan din niya."
"Natatakot ako. Naduduwag ako na ipaglaban siya kay Dad. Ayokong may mangyaring hindi maganda ulit sa kaniya. Paano ko uulit-ulitin iyon kung alam ko na ikapapahamak niya. Ikaw ang nagsabi sa akin na ama ko pa rin siya. At kailangan na i-consider ko rin ang nararamdaman niya." hindi ko pa rin mapigilan na huwag manginig ang tinig habang kausap siya.
"Hindi ko rin alam ate. Pero umaasa ako na sana ay maayos na ang lahat ng ito. Sana. Ang gusto ko lang, maging masaya ka sa taong gusto mo. At alam ko na sa kaniya ka masaya."
"This is insane. Hindi dapat ganito. Kung may magagawa lang ako." tila nag-aalalang sabi ni Kuya Sieg na nakatayo lamang.
"Yeah right. Hindi dapat ganito." sang-ayon ni Sasha na naiiling.
Next week na ang alis ni Fyodr. At labis akong nalulungkot dahil doon. Para akong mawawala sa aking sarili sa tuwing naiisip ko na aalis na siya. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala siya.Siguradong hahanap-hanapin ko siya araw-araw pagkaalis niya.
Pagkatapos namin sa bahay na magpipinsan ay isinama nila ako sa kanilang lakad. Isinama nila ako sa isang bar kung saan nandoon na rin ang iba. Maging si Zander. Medyo hindi pa kami nag-uusap ni Zander kaya ipinagtabi kaming dalawa ni Kuya Austin.
Tahimik lang kami pareho ni Zander samantalang sina Sasha at ang iba pang babae ko na pinsan ay nakatayo na at nakikipag-sayawan na doon. Maging si Kuya Austin ay nandoon na rin. Ang kasama ko ngayon ay si Kai at Zander. Medyo tahimik din si Kai. Dahil hiwalay na sila ng nobya niya. Ganito talaga siya. Kapag broken. Tahimik at lutang.
Sinabayan ko sa pag-inom si Kai habang nagkukwento siya sa hiwalayan nila ni Margaux. Nagiging madaldal naman siya kapag nakainom na. Bahagya akong inaawat ni Zander sa pag-inom pero makulit na rin ako dahil sa may tama na ang espiritu ng alak na nainom ko.
"Ces, nakakarami kana." awat sa akin ni Zander at inagaw ang bote na hawak ko. Tumawa lang ako at binawi iyon.
"I need this now Zander... Okay." nanlalabo ang aking paningin na hinarap si Kai. Nagkukwento pa rin siya kahit hindi na ako nakikinig. Tumayo ako habang hawak ang bote. Itinaas ko ito sa ere habang naglalakad papunta kina Sasha. Nang makalapit ako sa mga pinsan ko ay nakisali ako sa kanilang pagsayaw. Tuwang-tuwa sina Pia habang sumasayaw ako kasabay sila.