" Hindi nga?" natatawa kong tanong kay Cloud nang magkasabay kaming kumain ng lunch sa isa sa mga iilan na resto sa loob ng club. Nakita niya ako kaagad nang pumasok siya at sinamahan ako sa mesa.
Ilang araw ko rin siyang hindi Nakita pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina sa hotel. Mukhang sinamahan niya ng ilang araw si Milli dahil siguro sa na stress din ito.
"Oo nga." natatawa niyang sagot.
"Buti hinayaan ka ng Mom and Dad niya na mag-stay doon? Hindi ba sila natatakot na baka gapangin mo si Milli" hindi ko naituloy ang aking sasabihin at kaagad na nag-init ang aking mukha nang ma-realize ko ang aking mga sinasabi. Napainom ako ng tubig tsaka tumawa ng mahina. "Sorry." wika ko ng mahina na ikinatawa niya.
"Matagal ko ng binabalak iyon sa totoo lang. Para sana mawalan na sila ng choice kung hindi ang pumayag na magpakasal kami."
"Baliw." naisambit ko.
He laughed again and stared at me. " Totoo iyon. Pero ayaw niya." Nakita ko ang lungkot na bumalot sa mukha at mga mata niya. "Pero ayaw niya na sapilitan siyang tanggapin. Kung hindi daw siya matanggap ng buo nina Dad. Mas okay daw na itigil na namin." ngumiti siya ng pagkapait-pait. " Alam mo iyon. Iyong pakiramdam na gusto mo siyang ilaban hanggang dulo pero siya mismo, ayaw niya. Ang sabi niya maghihintay siya, kaya nagulat ako ng puntahan ka niya."
Ngumiti ako at tumango. "Okay lang iyon. Naiintindihan ko siya."
"You do?"
Napaiwas ako ng tingin sa kaniyang sinabi. Naiinitindihan ko talaga ang kalagayan nila. Kung ako lang, handa na ako na ilaban si Eli kay Dad hanggang dulo.
Natawa ako ng mahina sabay iling. Pero wala naman siya. Wala naman siya sa tabi ko para maramdaman ko that he's worth fighting for.
"Sayang.."
Nilingon ko siya. Nasundan ko ng tingin ang kaniyang direksiyon na tinititigan.
"Sayang naman ang relasiyon ninyo ni Eli."
Nanatili lang akong tahimik sa kaniyang sinabi. Nang tignan niya ako ay ngumiti siya. Hindi ko na tinignan ang direksiyon kung saan siya nakatingin kanina. Dahil nandoon si Eli sa kabilang mesa kasama si Raven. Inatake ng selos ang puso ko dahil sa aking nakita. Gusto ko ng tumakbo paalis dahil sa selos na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Ito iyong takot na nararamdaman ko noon pa. Na alam kong masasaktan ako ng todo. Ito na nga iyon. At hindi ako nagkamali. Dahil ang sakit, ang sakit nito sa dibdib.
"Sinayang ka niya."
I bit my lower lip and smiled bitterly. "I don't know. Pero parang hindi ko pa siya lubos na kilala dahil sa ayaw niyang mag-open up sa akin. Ayoko ng ganoon. Yeah, naglihim ako sa kaniya tungkol sa kung ano man ang mayroon sa ating dalawa. Pero alam ko naman kasi na hindi naman hadlang talaga sa amin iyong tungkol sa atin. And I admit, I'm got scared to tell him about that. Knowing him. Samantalang siya, wala siyang balak na ikwento sa akin ang mga nais kong malaman. alam mo iyon, ang babaw lang ng dahilan ko para sa iba, pero sa akin kasi importante iyon. Para mas maintindihan ko siya."
"Totoo iyon." aniya sabay labas ng kaniyang phone at ipinakita sa akin ang isang larawan na siyang wallpaper niya mismo. Siya iyon, si Milli at ang isang batang lalake na nakagitna sa kanila. They look genuinely happy together. "That's my son, Zeke."
When he mentioned the little boy's name, his eyes did shine. Natila ba proud na proud talaga siyang sabihin sa lahat na anak niya ito. Though I know the real story about this little boy.
" He's five years old now. At napakabait niyang bata. Napalaki ng maayos ng mom niya, walang duda iyon."
Napatitig lang ako sa kaniya habang kagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi atsaka napapangiti pagkatapos. He's happy. Na parang napapangiti sa tuwing naiisip ang...