"Helena is your Dad's first love."
Iyon ang sabi ni Lolo habang nakatitig sa kamay ko na may benda dahil sa nangyari kahapon. Natigilan lang ako habang nakatitig sa mukha ni Lolo na ilang beses nang napabuntong-hininga.
"And then?" I want him to tell me what he knows about Helena. I'm sick of it but I want to know, kung bakit baliw na baliw si Dad sa kaniya.
Umiwas ng tingin si Lolo at huminga ng malalim. "It was my fault." He muttered and then he looked at me again. "I forced your Dad to marry your Mom because I didn't want Helena for him. Hindi maganda ang estado ng buhay nina Helena noon magpa hanggang ngayon naman. Malayo sila sa kung ano'ng mayroon ang pamilya natin. Ang tingin ko noon kay Helena ay pera lang ang kailangan niya sa Dad mo. At totoo iyon. Mukhang pera si Helena. At hindi iyon makita ng Dad mo."
Napalunok ako at napahigpit ang pagkakahawak sa baso sa kamay ko.
"Kaibigan ko ang Dad ng Mom mo. Alam mo iyon. At kahit papaano ay marangal ang pamilyang mayroon sila. At nagkataon naman na may pagtingin ang Mom mo sa Dad mo. Hindi sang-ayon ang mga kapatid niya sa kasunduan namin ng Lolo mo, pero wala na rin silang nagawa dahil pumayag mismo ang mommy mo."
Tahimik lang ako habang nagkukwento si Lolo. Naririnig ko naman siya. Pero ayaw iyon tanggapin ng isipan ko.
"Pumayag din ang Dad mo dahil hindi pa niya kaya na mawala ang buhay na mayroon siya noon—
"You threatened him na hindi mo sa kaniya ipapamana ang lahat ng mayroon ka?"
Marahan na tumango si Lolo. Napailing lang ako.
"Pero nang ipanganak ka—
"My Mom's life since then was miserable ah." Putol ko at natawa ng mahina. "Pinakasalan niya ang lalake na alam niyang hindi siya mahal? I mean. Lo? How could you do that? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Na kahit ako ang anak ni Dad, na kahit ako talaga ang pamilya niya. Ako pa rin. Ako pa rin ang walang karapatan sa kaniya. Dahil hindi niya minahal si Mom. And I'm not actually expecting that he'll love me too."
Tumayo ako at huminga ng malalim.
"But still hindi ako nagsisisi. Dahil doon, dumating ka—
"Do you think I'm okay with this kind of life?" Sarkastiko ko na tanong. "Mas mabuti pa na hindi ako lumabas sa mundong ito kung ganito rin lang naman. Kung naghirap din naman si Mom." Tinalikuran ko siya pero hindi ako humakbang paalis. "If you only knew how hard life is to me. This is really shit. My life is full of shit. Pero wala akong magawa kung hindi ang mabuhay at tanggapin ito."
"May problema kaba dude? Buti nagyaya ka ngayon?" Tanong ni Miggy sa akin habang nasa mismong suite niya kami at umiinom na. Wala naman akong pwedeng ibang yayain ng ganito sa pagkakataong ito kung hindi siya lang. Dahil siya lang ang may alam ng mga nangyari sa buhay ko simula nang mamatay si Mom.
Nilagok ko ang laman ng in can beer na hawak ko at sumandal sa kaniyang kama dahil nakaupo kami sa baba at dito pumwesto.
"Hindi na ako babalik sa bahay. Kahit kailan."
Natawa siya at umiling. "Kailan ka ba umuwi sa inyo?"
"Hindi na ako tatapak pa sa bahay na iyon."
"What happened?" He asked and leaned on the side of the bed too.
"My Mom has suffered so much. Hindi na dapat pinakasalan ni Dad si Mom. Tss." Natawa ako at tumingala. "Hindi dapat siya naging duwag kung si Helena talaga ang mahal niya." I went on. "Ang mom ko." Lumingon ako kay Miguel at bumagsak ang aking mga balikat. "Hindi dapat siya pumayag kung alam niya na mahihirapan siya."