Lakad-takbo ang ginawa ko habang papunta ako sa rooftop kung saan kami magkikita ni Eli. Hindi ko inasahan na isasama ako ni Dad kina Cloud para doon sa kanila mag-dinner. Inis na inis ako nang malaman iyon. Pagbaba namin sa harapan ng gate nina Cloud ay kaagad din akong naglakad papaalis kaya galit na galit siya sa akin. Hinabol ako ni Cloud hindi para ibalik kay Dad kung hindi para ihatid sa building kung nasaan ang condo ni Eli.Alas-otso na nang gabi at alas-siyete ang usapan namin ni Eli. Wala akong message o tawag na natanggap mula sa kaniya. At hindi rin siya sumasagot ng tawag mula sa akin. Kaya mas lalo akong kinabahan. Ayoko na mag-away kami dahil lang sa mga pinaggagagawa ni Dad.
Eksaktong pagbukas ko ng pintuan palabas ng rooftop ay tumunog ang phone ko. Si Dad.
Umiling ako at ibinalik sa bag ko ang aking phone. At pag-angat ko ng aking paningin ay doon sumalubong sa akin ang mga bulaklak at mga kandila na nakahilera sa aking dadaanan papalapit sa direksiyon kung saan nakatayo si Eli. Naka-puti siya na panloob at pinatungan ng itim na sports coat. Well, bagsak ang buhok niya ngayon at kahit medyo madilim dahil tanging ang mga kandila lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid ay nakikita ko kung paako umamo ang mukha niya dahil sa kaniyang buhok.
Nakatitig siya sa akin habang nakapamulsa at tila hinihintay ako na lumapit sa kaniya.
Humakbang ako papalapit sa kaniya habang hindi bumibitaw sa aming titigan .
Nang makalapit ako ng husto ay lumabi ako.
"What's this?"
"You're late." Malamig niya na sumbat.
"Tumatawag ako hindi ka sumasagot."
"Baka mas matagalan kapag sinagot ko ang tawag mo. At least, magmamadali ka na puntahan ako dahil nag-alala ka. Tama ba?"
Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib kaya sinalo niya iyon habang nakatitig pa rin sa akin.
"You're so mean." Irap ko na pagsusungit sa kaniya.
"Alam mo noon pa man na hindi ako mahilig maghintay. Tanging ikaw lang Frances Chavez ang pinaghihintay ako ng ganito." Seryoso niyang sabi sa akin at umangat ang kaniyang isang braso para iipit sa likod ng aking tenga ang buhok na tumatabing sa aking mukha. "But I'm glad that you came."
Ngumiti ako sa kaniya, iniikot ko ang aking paningin sa paligid. "It's beautiful."
"You deserve this." Malambing niya na tugon. He held my hand and lead me to my seat. Hinila niya ang isang upuan at inalalayan akong makaupo. He leaned toward me as he whispered... "Thank you for coming." Nakatapat ang kaniyang mukha sa aking tenga kaya bahagya akong kinilabitan hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa kilig at sensasyon na dulot noon sa akin.
Nang maupo siya sa harapan ko ay panay ang sulyap ko sa kaniya habang kumakain kami at nagkukwentuhan. Bawat kibot ng mga labi niya ay nakasunod ako. Hindi ko inaasahan na mababaliw ako ng ganito sa kaniya. At maging pati sa mga kilos at pananalita niya ay naaakit ako.
Napatikhim ako nang mahuli niya ako na nakatitig ng husto sa kaniya. Nag-init ang mukha dahil ngumisi siya at nangalumbaba habang nakatitig sa akin.
Nagbaba ako ng tingin habang nilalaro ang pagkain ko sa plato.
"Wine?"
I looked at him and gave him a short nod. Habang nilalagyan niya ng wine ang glass ko ay nakatitig pa rin siya sa akin. Ngingiti-ngiti siya nang uminom ako doon.
"Why?" Napalunok ko na tanong pagkatapos kong uminom.
"Why? Masama ba na titigan ko ang babaeng tanging kinababaliwan ko?"