Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ng kung sino sa aking pisngi. Dahang-dahan akong nagmulat hanggang sa makita ko ang gwapong mukha ni Eli na nasa harapan ko ngayon. Pinupunasan niya ang basa pa niyang buhok habang hinahaplos ng isang kamay niya ang aking pisngi."Mukhang pagod na pagod ka ah." Nakangisi niya na sabi.
Umiwas ako ng tingin nang makita kong wala pa siyang suot na pang-itaas.
"Okay kana ba?" Narinig ko na tanong niya.
Kumilos ako para umupo. Nang makaupo ako at humarap sa kaniya ay nakalapat na ang mga kamay niya sa magkabila kong gilid kaya para tuloy akong nakakulong sa kaniyang mga braso. Nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin bahagya pa ang napaatras.
"May problema kaba?" Aniya.
Umiling ako. Pinipilit kong huwag tumitig sa kaniyang mga mata. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga bagay na nakita ko kanina.
"You seemed a little bit off a while ago. Iniwan mo ako sa cafe." Nasa tono niya ang pagtatampo. Si Eli? Nagtatampo?
Nang titigan ko siya ay inilapit niya ng bahagya pa ang kaniyang mukha sa akin. He moistened his lower lip as he leaned more towards me.
" I—I'm sorry. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kanina." Pagsisinungalin ko pero hindi ko naiwasan na hindi mautal dahil sa pagkakalapit namin.
Hindi siya sumagot. He remained his eyes on me. Parang may hinihintay siya na sasabihin ko.
Umiwas ako ng tingin ay hinagilap ng mga mata ko ang phone at bag ko. Nang makita ko iyon ay kinuha ko kaagad. Akmanga aalis ako sa pwesto namin na ganoon pero hindi siya kumilos. Nang tignan ko siya ay seryoso na ang kaniyang ekspresiyon sa mukha.
"Hey. I'm worried. Tell me, what's the problem? Okay ka lang ba?"
Tumango ako ng marahan. Umayos ako ng upo atsaka kinuha ang mga sandals ko. Nararamdaman ko ang mga mata niya na nakasunod sa bawat kilos ko.
At nang akmang isusuot ko na ang mga sandals ko ay doon ko siya nakita na lumuhod sa harapan ko at siya na mismo ang nagsuot sa mga ito sa aking paa. Nang matapos siya ay nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Are you mad at me? May nagawa ba ako?" Aniya.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Umiling ako. "I'm fine. W—We're fine."
"Hindi ko ramdam na okay ka." Malamig niyang sagot sa akin. Dahang-dahan siyang tumayo at tumalikod sa akin. "If you're tired, go home and rest. If you want to stay here until you feel better, that's fine." I heard him sigh before he walked towards the hanging closet and pulled a black shirt in there. Isinuot niya iyon at sunod na kinuha niya ay ang kaniyang puting jacket. Isinuot niya rin iyon pagkatapos at bahagyang isinuklay ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok. Nakita ko kung paano siya huminga ng malalim bago kinuha ang isang may kalakihan na bag sa baba.
Hindi na siya nagsalita. Inilapag niya sa kama ang bag niya bago nag-ayos ng sarili sa harapan ng salamin. Ang tagal. Ang tagal niyang nag-ayos at ganoon din katagal kami katahimik.
Nang may tumawag sa kaniya ay nakatayo lang siya sa tabi ng kama.
"Patapos na. Hintayin niyo na lang ako sa labas." Sinulyapan niya ako. "May aayusin lang ako." Pagkatapos ay tinapos na niya ang usapan nila ng nasa kabilang linya. Ibinulsa niya ang kaniyang phone at nakramdam ako ng kaba nang humakbang siya papalapit sa akin. Nang ilahad niya ang kamay niya sa akin ay tinanggap ko iyon.
"How can I leave if you're giving me those stares? Paano ako aalis kung ganiyan ka?" Iyon ang serysoso niya na sabi.
"Okay lang ako ano ka ba. Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Pinilit ko na ngumiti atsaka na rin tumayo. Hahakbang sana ako paalis na pero iniharang niya ang sarili.