2

123 5 0
                                    

Kumatok ako sa pintuan ng gaming room ni Fyodr para yayain na itong maghapunan. Hindi naman naka-lock ang pintuan kaya naman pinihit ko na ito pabukas. Pagsilip ko ay nakita ko na busy pa rin siya sa pag-stream.

Lumapit ako sa kaniya at dumungaw sa kaniyang ginagawa.

"Hey. Kumain ka kaya muna—

"Makikita ka sa stream ko." Putol niya sa sasabihin ko at bahagya akong itinulak papalayo. Natawa ako at pinameywangan siya.

"Mas dadami ang fans mo kapag nakita nila ako ano ka ba."

Sinulyapan niya lang ako atsaka umismid. "Oo na."

Ngumiti ako at muling sinilip ang kaniyang ginagawa.

"Sino iyon? Ate mo? Pakilala mo naman kami!"

"Uy si Fyodr may chikas na kasama!"

"Pakita mo naman ulit?"

"Hey. Kumain kana daw sabi nung chikas!"

"Pa shout out sa kaniya!"

"Pakibalik naman po nung babae. Ganda lang."

"See." Kibit-balikat ko na sabi matapos kong ituro sa kaniya ang mga nag-comment sa live stream niya.

"Tss." He just uttered. "Sabi na ngang Oo."

I tapped his shoulder and smiled. "Bumaba kana pagkatapos niyan. Sumabay ka sa amin ni Dad."

Nang sulyapan niya ako atsaka tumango ay humakbang na ako papalayo.

"Does it matter kung sasabay ako o hindi sa dinner?"

Napahinto ako atsaka siya nilingon. "Of course. You know it really matters."

Nagkibit-balikat lang siya atsaka na ibinalik ang mga mata sa screen ng computer niya.

Napalis ang ngiti ko sa mga labi at bumuntong-hininga.

Hindi naman siya sinusuway ni Dad sa mga gusto niyang gawin. Katulad nito. Pero iyon ang pinakamasakit. Iyong ipinaparamdam ni Dad sa kaniya na hindi siya sinusuway dahil gusto nitong ibigay ang lahat ng gusto niya, hindi niya ito sinusuway dahil wala itong amor sa kaniya.

And that breaks my heart over and over again. Knowing that he doesn't care about Fyodr rips my heart so bad. I don't really know what he feels about how Dad treats him, that's why I keep on talking to him. Asking him if he's okay. Ang madalas niyang pananahimik ang nagbibigay ng kaba sa aking dibdib sa araw-araw. Mahirap basahin ang kaniyang iniisip dahil hindi niya iyon madalas ipakita. Madalas ay blanko lang ang kaniyang ekspresiyon sa mukha. I just wanna see him smile genuinely.

Habang kumakain ay tahimik lang si Dad ganoon din si Fyodr. Kinakausap naman siya ni Dad pero puro pahapyaw lang. Hindi naman din niya mapagalitan si Fyodr dahil wala naman itong ginagawang hindi maganda.

Tumikhim ako at inabutan ng ulam si Fyodr. "Here.." wika ko at inilapit ang lalagyan ng ulam sa kaniya pero pasimple niyang itinulak iyon. Tinignan niya ako at umiling.

" I can manage." He said shortly. "Thank you."

Tumango lang ako.

"Kailan ka babalik ng club para sa presentation?" Tanong ni Dad nang sulyapan ko siya.

"Naka-schedule na siya Dad. Isasama ko rin si Casey para sa presentation. Ise-send ko na lang sa email mo iyong inihanda ko na presentation sa club. Para makita mo."

"Okay. Make sure na maiko-close mo ng maayos iyon Frances. Ipakita mo sa akin na kaya mo'ng makakuha ng malaking project para sa kumpanya." Seryoso niya na turan atsaka nagpunas na ng kaniyang bibig bago tumayo.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon