Nasa labas ako ng RE Cafe at hinihintay ang pagdating ng mga pinsan ko na nakapag-set talaga ng oras para sa pagpasyal ng club. Si Ate Kate lang ang wala dahil busy siya masyado sa trabaho kasama ang Dad nila.
Wala pang gaanong tao sa club dahil maaga pa naman. At ang mga pinsan ko ay napakaaga dahil 7:00 am palang ay pabyahe na sila.
At dahil 9:00 am ang bukas ng gate ay naghintay sila ng matagal sa labas.
Reklamo nang reklamo si Kai sa GC namin dahil sa paghihintay. Nainip din sina Kuya Sieg at Kuya Austin.
Pagpatak ng alas-nuwebe ay nag-chat na si Kuya Sieg na nakasakay na sila ng E-Jeep. May picture pa sila na na-send sa GC. Nakasakay na nga sila ng E-Jeep. At sila lang ang sakay nito. Iyong mga may pasok sa school ay nagsi-absent. Maging si Fyodr ay napilitan na um-absent dahil sa kakapilit nina Preston at Sydney.
Malayo pa lang ay natanaw ko na sila na papalapit sakay ng E-Jeep dahil kumakaway na sila sa akin.
Paghinto ng E-Jeep ay nagsibaba na sila at lumapit sa akin. Last week lang kami nagkita-kita pero akala mo ilang taon na.
Nagbatian muna kami atsaka nagyakapan.
Nang papasok na kami ay inakbayan ako ni Kuya Austin habang nagkukwento kung paano sila naghintay sa labas. Kung gaano kahigpit doon.
"Nainip kaya kami." Reklamo ni Yssa habang inaayos ang kaniyang buhok na bahagyang nagulo dahil sa pagsakay ng E-Jeep. Habang papasok kami ng Cafe at nakaakbay pa rin si Kuya Austin sa akin. Nasa kabila naman si Kai habang nagrereklamo rin. Puro mga reklamador eh sila naman may gusto nito.
Pagpasok namin ay kakatayo lang nina Eli at ang mga kaibigan niya.
Tahimik lang sina Yssa na kinikilig. Hindi sila pwedeng magsisigaw dahil babawalan sila ni Kuya Kairus. Atsaka hindi rin sila ganoon ka OA na fans dahil sila daw ang mga fans ng Crimson na may class. Kaya ang mga loka, nagkukurutan lang ng patago.
Nang magtama ang paningin namin ni Eli ay kaagad lumipat ang mga mata niya kay Kuya Austin na nakaakbay sa akin.
His brows furrowed as they walked towards us.
"Hey . Hindi ba sila iyong nasa poster sa kwarto mo Yssa? Tama ba?" Siko ni Kai kay Yssa.
Pinanlakihan ito ng mga mata ni Yssa at sinenyasan na manahimik.
Nang magkatapatan kami ng daan ay titig na titig si Eli kay Kuya Austin. Na hindi naman pansin ni Kuya Austin dahil busy ito sa pagkausap sa katabi na si Kuya Kairus.
"Hi Frances!" Bati ni Miggy sa akin at itinaas pa ang isang kamay.
Natigilan tuloy ang mga pinsan kong lalake atsaka napatitig kay Miggy nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko.
Kitang-kita ko ang dahang-dahan na pagbaba ni Miggy sa kaniyang kamay atsaka ngumiti.
"Hello Miss Chavez..." bawi niya atsaka ngumiti sa amin.
"Hi Miggy." Pasimpleng bati ko lang atsaka tumingin kay Eli. Nakatitig pa rin siya kay Kuya Austin.
"Tara na. Nagugutom na ako." Aya ni Kuya Austin atsaka na humakbang papasok habang nakaakbay sa akin.
"Hi Eli.." pasimpleng bati pa ni Pia habang nakasunod sa amin.
"Hi Blake!" Masiglang bati naman ni Yssa na hinila ni Kai papalayo kina Eli.
"Sana nag-megaphone ka pa." Asik ni Kai kay Yssa habang hila-hila ito sa braso papalapit sa mesa kung saan kami pumwesto nina Kuya Austin.
"Ang gwapo naman ni Eli. Baka pwede naman kaming magpa-picture sa kanila? Pasimple lang naman. Bawal ba?" Naka-pout na wika ni Apple at hinabol ng tingin ang papalabas na sina Eli.
![](https://img.wattpad.com/cover/250349738-288-k670742.jpg)