Me
LUNCH?
Tss.
10 minutes have passed.
No reply from her.
Is she ignoring me?
May mali ba sa ni-reply ko?
Binalikan ko ang mga messages ko sa kaniya.
Me
Lunch?
FrancesChavez
?
Me
Tss
Wala naman akong mali na nai-reply. Bakit ang tagal sumagot?
She's the one who's fond of sending a question mark as a reply. Sa akin? Tss. Iyon ang may mali.
Nang tignan ko ang oras sa relos ko ay muli akong nakaramdam ng pagkairita. Really?
Fifteen minutes. Pero wala pa rin reply.
Pabagsak ko na inihagis sa upuan sa tabi ko ang phone ko habang nakatitig sa site kung nasaan man siya ngayon.
"Really. Seriously."
Inip na inip ako sa kakahintay sa reply niya pero lumipas ang ilang minuto pa ay wala akong na-receive na message mula sa kaniya.
Mabilis akong napalingon sa phone ko nang marinig iyon na tumunog.
Bahagya ko naman sinilip kung sino ang nag-message sa akin.
Napaismid ako nang makita ang pangalan ni Miggy doon.
Miguel
Sa'n ka? Kanina pa kami sa RE Cafe. Hindi ka magla-lunch? Wala naman si Lee. Hindi ka maba-badtrip.
Me
Mas nakaka-badtrip ka.
Pagbalik ko ng tingin sa site ay tumalima ako nang makitang palabas ang tanging babae na pinaghintay ako ng ilang minuto kaninang umaga sa entrance ng club at ngayon sa harap ng site na ito.
The corner of my lips rose as I watched her hair blowing through the wind. Kumikinang ang kulay tsokolate niyang buhok kapag tumatama sa sikat ng araw.
Pero kaagad din akong nakaramdam ng pagkairita nang makitang nakasunod si Cloud sa kaniya.
I looked away and grimaced when I saw her smiling while Cloud is blabbering something.
"Ano'ng nakakatuwa kay Cloud?"
Napatingin ako sa message ni Miggy.
Miguel
Huy. You didn't eat your breakfast right? Hindi ka ulit magla-lunch? Paano natin mahahabol ang katawan ni Blake at Damon?
Me
Shut up. Are you my girlfriend?
Me
Papunta na
Napahigpit ang pagkagat ko sa ibabang labi ko nang muling makita na naglalakad paalis sina Cloud. And that woman.
Frances Chavez.
I'm just pissed. She ignored my messages. Tss.