Pagbaba ko pa lang ng kotse ay kaagad na akong nilapitan nina Czai at Nat. Kina Lee kami ngayon sa unang pagkakataon. At hindi maitatanggi ang karangyaan na tinatamasa ng pamilyang Alvarez sa marangyang tirahan nila. Mataas na ang gate na mayroon sila pero makikita mo pa rin mula sa labas ang modernong disenyo ng kanilang bahay mula sa loob.Nang makalapit sina Nat at Czai sa akin ay ngumiti ako at itinulak pasara ang pintuan ng aking kotse.
Nagulat pa sila nang makita ako at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
Napailing si Nat at tumingin sa suot ko na sandals na may kaunting takong pa. Napili ko iyon dahil bagay ito sa dress ko na kulay peach.
"Hindi ka dapat naghi-heels ano ka ba." Sermon niya sa akin nang hustong makalapit. Hinawakan ako sa braso ni Czai at pinakapit sa kaniya.
"Sabi ng dapat alagaan ang sarili at ang baby eh." Puno ng pag-aalala na sermon din ni Czai sa akin.
Pareho nila akong inaalalayan nang humakbang kami papasok ng nakabukas na gate. Doon ko nadaanan ang kotse na nakaparada na sa loob. Kilalang-kilala ko ang kotseng iyon. Hindi ako nagkakamali.
"Is he here?" Tanong ko.
"Yeah. Kasama niya sina Luke at Liam. Nandiyan din sina Raven at Ruass. Well, may meeting pa sila kanina tungkol sa banda. Naka-ban pa rin sila dahil hindi pa rin pumapayag na makipag-usap si Eli kay Cloud. At galit pa rin si Gray." Paliwanag ni Nat habang papasok kami.
"Naka-ban? Nakita ko si Eli sa club kailan lang." nagtataka ko na tanong.
"Nandoon siya dahil may kinuha lang daw sabi ni Miggy. Pero madalas siya sa condo niya ngayon. Kaya madalas na rin si Miggy doon." Tugon ulit niya.
Napatango lang ako at tuluyan na kaming nakapasok sa loob.
Nasa tabi ng kumikinang na tubig ng pool sina Miggy, Blake at Luke. Samantalang nasa mini living room naman malapit sa pool sina Lee, Damon at Liam. Kasama rin nila si Ruass.
May musika ako na naririnig pero mahina lang iyon. May nakahandang pagkain din malapit sa pool at doon kumukuha ngayon si Miggy.
"Well, medyo marami tayo ngayon." Untag ni Czai at ininguso pa ang babaeng kakalabas lang ng main door ng bahay.
Nakalugay ang mahabang buhok nito at bagay na bagay sa rito ang suot nitong itim na loose shirt na may printed lang sa harapan. Wala itong suot na sandals man lang o tsinelas. Nakatapak lamang ito pero walang kaartihan na makikita dito.
Nasundan namin ito nang tingin. Dumiretso ito kay Lee at iniyakap ang mga braso sa leeg nito.
Napatikhim ako sabay lingon kay Nat.
"Totoo ba ang nakikita ko? Hindi ako makapaniwala na may nobya si Lee?""Mukha lang siyang walang nobya dahil sa ugali niya. I mean sino ba ang makakatiis sa kaniya hindi ba? Mukha siyang walang pakialam sa mundo. Selfish at mukhang pera." Tila iritadong sagot ni Nat at humalukipkip.
"Ganoon din naman si Eli ah.."
Lumipad ang tingin ko kay Czai tsaka siya ngumiwi.
"Ang ibig kong sabihin, hindi naman nagkakalayo ang ugali nila ni Eli. Tignan mo naman. He found you." She explained.
Natawa lang ako sabay iling. "Yeah right."
Nang hanapin ng paningin ko si Eli habang papalapit kami kina Miggy ay doon ko siya nakita sa dulo ng pool kasama si Raven.
Yeah. He's with Raven. At mukhang malalim ang usapan nila. May kirot ako na naramdaman habang nakatitig sa kanila. Lalo na nang akmang hahawakan sana ni Raven sa balikat si Eli. Pero ito mismo naglayo ng sariling kamay kay Eli.