Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kina Eli kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan ko kung paano niya kinausap ang mga tao doon. And who's that Warren? Bakit ganoon na lang ang galit niya rito? And his Dad....Napabuntong-hininga ako sabay titig sa mukha ni Eli sa phone ko. Mga stolen shots lang ito galing kay Blake. I'm just checking on him. Habang nasa trabaho ako. I'm still worried about him. Pagkatapos niya akong ihatid kagabi, hindi ko na siya nakausap. Hindi ko na siya kinulit dahil mukhang kailangan talaga niyang magpahinga at mag-isip. Ayoko na sanang dumagdag pa.
Napatitig ako sa isang picture niya na nakaupo sa loob ng studio sa sulok habang nakatitig sa kaniyang gitara. Kahit larawan lang ito, makikita mo sa mukha niyang kung gaano siya kalungkot.
Napabuga ako ng hangin sa ere.
I don't know how will I comfort him. Paano ko siya kakausapin o sasamahan sa kaniyang mga pinagdadaanan kung hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya.
Me
Thanks Blake.Blake
No problem. Huwag kang masyadong mag-alala. Hindi siya ganoon kahina. 😁Right. He's so tough. And that's what worries me a lot . Sa sobrang lakas ng loob niya na kaya niya, baka ni ako hindi na niya kailanganin.
Ang gusto ko lang, hanapin niya ako sa tuwing may dinaramdam siya. Hanapin niya ako para samahan siya. Yakapin siya at sabihin na magiging okay din ang lahat.
I want to be with him, whenever he feels alone. I want to protect him from the pain that he's going through.
Napakunot ako ng noo nang matanaw ang dalawang lalake na nakatayo sa harapan ng gate namin. Nang makalapit ako ay inihinto ko ang makina ng kotse atsaka bumaba kaagad.
Pagtingin ko sa lalakeng hawak-hawak ni Kai ay natigilan ako nang makita si Zander nag-angat ng mukha habang namumungay ang kaniyang mga mata. Madilim na pero banaag pa rin ang pamumula ng kaniyang mukha. Is he drunk? Yeah. Amoy na amoy ko iyon.
Nang makita niya ako ay bigla siyang tumayo ng maayos atsaka napakamot sa kaniyang batok.
"H–Hi. Cess..." bahagya siyang sumulyap sa akin at siniko ng mahina si Kai.
Umismid si Kai pagkatapos ay umiling. "Sabi ng huwag ngayon. May tama ka ngayon. It's not right. She's stressed. Huwag ka na munang dumagdag pa." Iyon ang sinabi ni Kai sa kaniya bago siya hawakan sa braso nito.
"Hey. Bakit kaba uminom ng ganiyan? Nakarami ka ata ah." Pormal ko na sabi. Hindi ko kayang magalit sa kaniya dahil sa nagawa niya kay Eli. He's just concerned about me. Alam ko iyon kaya siya ganoon umasta. Kahit noon pa man, ganoon na siya. Sa tuwing may nangungulit sa akin, tatawagin na niya ang mga tropa niya na sina Kai at maghahamon n ng away.
"Iuuwi ko na. Tinawagan lang ako ni Kuya Austin na dito daw nga ang punta niya. May tama kaya ganiyan. Hindi lang maiwan ni Kuya Austin iyong babae niya." Ani Kai sa akin atsaka na muling hinila siya.
"Okay ka lang?" May pag-aalala ko na tanong sa kaniya nang makita ko na ayaw niyang sumama kay Kai.
He looked at me while smiling a little. Sumulyap siya kay Kai tsaka tumango. "Okay lang ako. Just let me talk to her. I just wanna talk to her. You know. Sabi mo nga mabagal ako masiyado. Ibigay mo na ito." Mahinang sabi niya kay Kai atsaka inalis ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Siya lang ang gusto kong makausap ngayon. Baka mabaliw ako Kai. Mabaliw ako sa kakaisip...."
