44

79 4 0
                                        












Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi kahit magkatabi kami ni Eli. Samantalang siya, napakasarap ng tulog.

Ilang beses ko rin siyang kinumbinsi na hayaan na akong makipagkita kay Zander para at least makapag-usap man lang kami at maging okay na ang lahat pero ayaw talaga niya. At hindi ko na siya napilit pa.

Hindi kami. Oo, hindi nga kami pero kami lang ang may alam kung bakit pa rin kami nasa tabi ng isa't isa.

At sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya na maghihintay siya? Natutuwa ako na nakokonsensiya. Pakiramdam ko, napakamakasarili ko.

Ayoko naman gawin komplikado ang lahat. Ang kaso lang, pamilya ko kasi ang iniisip ko rin.

At hindi ko kayang suwayin ng ganoon na lang si Dad. Nang huli ko siyang sinagot ay ganoon ang nangyari sa kaniya. Na ospital siya at sising-sisi ako. Hindi ko na gustong maulit iyon.

Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko pa rin na tulog si Eli. Napangiti ako dahil mukhang nabawi naman niya ang pagod niya ngayon.

Naengganyo akong pagmasdan ang mga iba't ibang klase ng mga eroplano na naka-display sa magkabilang side ng flatscreen TV. Nakakulong ang mga iyon sa salamin na mukhang pinasadya pa. May malalaki at maliliit na naka-display doon. Mukhang alaga din dahil mukhang bagung-bago pa ang mga ito.

Napatitig ako sa iilang larawan ng isang batang lalake na hindi maikakaila kung sino. Si Eli. Nakasuot siya ng pang-piloto na uniporme kasama ang... Dad niya. Napakabata pa niya rito. At sa iilan pang larawan ay nandoon siya kasama ang Mom siguro niya. Napakaganda ng kaniyang ina... Kitang-kita sa mga mata ni Eli ang tuwa habang nakakapit sa kamay ng mom at Dad niya. At ang ngiting ito sa mga mata niya ngayon ay napakadalang lang masilayan.

Mas napangiti ako nang makita ang isang larawan niya kasama ang isang lalake pa na hindi rin maikakaila kung sino.

Si Miggy.

"Good Morning.."

Nagulat pa ako nang may bumulong sa tenga ko at yumakap sa akin mula sa aking likuran.

"Hey.." malambing ko na sambit at napahawak sa mga braso niya sa aking beywang.

He rested his chin on my shoulder as he pulled me closer to him.

"Mauuna na sana ako. Uuwi pa ako sa bahay. Hindi ako komportable sa suot ko." Wika ko sabay harap sa kaniya. Suot ko lang ang kaniyang medyo may kahabaan na jogging pants pati na rin ang kaniyang itim na shirt. I am not wearing any undies inside that's why I really need to go home now.

Ngumisi siya tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Tss. Ihahatid kita. Huwag ka ng magpasundo kahit kanino. Hintayin mo ako. Maliligo lang ako." Ma-awtoridad niyang utos sa akin.

"Pero—

"Ayaw mo?" Putol niya sa aking sasabihin pa atsaka na ako tinalikuran. Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang kumukuha siya ng kaniyang mga gamit na ususuot. Napabuga na lang ako ng hangin sa ere dahil sa kaniyang mga ikinikilos ngayon. Hindi naman siya ganito dati. Madalas hinahayaan niya lang ako, pero ngayon parang lahat ng mga gagawin ko nakadepende kung papayag siya o hindi. Okay naman iyon, masaya ako kasi ramdam ko na gustung-gusto niya ako. Masaya ako. Pero feeling ko kapag ganito, wala siyang tiwala.




















"Oh? Tapos? Ano iyon? Nasa iisang kwarto kayo buong magdamag pero wala man lang nangyari???"

Iyon ang tanong ni Nat sa akin habang nasa isang bar kami at magtsi-chill lang ng kaunti. Kaming dalawa lang muna at hinihintay ang iba.

T H I S T I M EMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon