Me
Nabalitaan ko ang nangyari? Okay lang ba si Damon?
Nakatitig ako sa mga balita na nagkalat sa social media tungkol kay Damon. Ayoko naman talaga na magtanong? Hindi ko naman sila close dahil si Eli lang talaga ang nakakausap ko sa kanila.
Gusto ko lang talaga na i-text si Eli.
Natigilan ako sa pagta-type sa laptop ko nang mag-reply si Eli.
Eli
I don't wanna meddle with their issues.
Napailing ako sa isinagot niya. Kaibigan niya si Damon niyan ah. Pero noong huli kami na magkita ay kitang-kita ko kung paano siya nawala sa mood nang may tumawag sa kaniya tungkol kay Damon.
Me
Damon is your friend.
Muli ay ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa atsaka uminom sa kape na ipina-deliver pa niya mismo sa opisina ko. Kaya naman napakaganda ng araw ko. Dahil pareho kaming busy hindi nasundan ang huling pagkikita namin pagkatapos ng pagpunta namin sa bahay ng kaniyang lolo't lola.
Ei
It doesn't matter.
Well. Si Eli ito eh. Ano pa nga ba ang dapat ko na marinig. Isyu iyon sa banda kaya sigurado ako na badtrip siya doon.
Me
Okay. What are you doing? Nasaan ka?
Isang mabilis na reply ang aking na-receive. Habang tumatagal bumibilis ang reply ah.
Eli
Wanna see me?
Parang nakikita ko ang itsura ni Eli ngayon na sinasabi ang mga iyon habang nakangisi.
Napangiti ako ng bahagya atsaka nangalumbaba. I'm just staring at my phone. Nagmumukha akong ewan dito.
"Busy?"
Napaangat ako nang tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Namilog ang mga mata ko atsaka napatayo nang makita ang lalake na nakatayo sa tabi ng pintuan ng opisina ko. Kamot-ulo ang sekretarya ko at tila hindi siya napigilan sa pagpasok dito.
"Zander! My God!" Bulalas ko.
Sabay pa kaming humakbang papalapit sa isa't isa.
Isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin. Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa mga labi habang nakayakap sa kaniya.
Zander Martinez. Kaklase namin nina Kai simula noong nasa junior high pa kami. At malapit din siya kina Kai, Yssa at Sasha dahil kami ang magkaka-batch noon.
Kaya malapit talaga siya sa amin na magpipinsan. Kahit kina Kuya Kairus.
"How are you! Hindi ka nagpaparamdam.." sabi ko nang makawala ako sa yakapan namin.
He scratched the back of his head and winced.
"Nagpapa-miss ka?" Taas-kilay ko na tanong at naglakad papalapit sa desk ko. Sumunod naman siya at umupo sa harapan ng aking mesa.
Nang makaupo ako sa upuan ko ay napangiwi ako nang makitang umiinom na siya sa kape ko.
"Ang sarap nito ah? Walang laman." Biro niya atsaka inilapag ang kape sa mesa. Wala na talagang laman iyon. Ang sarap kasi kapag si Eli ang nagbigay.
