47

90 4 0
                                    





Sinunod ko kung ano ang nais ni Eli. Pinigilan ko ng husto ang sarili ko na huwag siyang tawagan o lapitan man lang. Kahit nakikita ko siya sa club ay ako na mismo ang umiiwas. Hindi ko nabalitaan na lumiban ito sa gig o ano man event ng banda. At natutuwa ako na malaman iyon. Pero ang nakakalungkot doon ay hindi pa rin niya kinakausap ang mga kasamahan niya. Lalo na kay Miggy. Maraming mga balita ang lumabas tungkol sa amin ni Eli, na tuluyan na nga daw kaming nagkahiwalay. Well, masakit iyon. Pero iyon ang totoo. Sa loob ng ilang mga araw ay nawalan na kami ng kumunikasiyon sa isa't isa. At iyon ang labis na nagpapalungkot sa akin .

Bigla na lang nawala.

Maraming nagsasabi na magdi-disband daw ang Crimson.
Pero mukhang fake news naman iyon. Dahil sasabihan naman nila ang mga fans kung totoo man iyon. Kaya marami ang nag-aalala sa kanila.

Madalas pa rin kaming magkita-kita nina Nat at ang iba. Pero walang Eli na kasama.

Alam ng mga pinsan ko ang nangyari sa amin at hindi na nila hinalungkat pa ang mga nangyari. I know how supportive they are to me.

Si Zander naman ay madalas na mag-message sa akin na pahapyaw lang ang reply ko. Nahihirapan ako sa ganoon pero kailangan. Kaialangan dumistansiya ng kaunti.

Pero sa lahat ng mga kalungkutan na nangyari sa akin. Tanging si Fyodr ang nagbibigay ng ngiti at sigla sa akin ngayon.

We're fine. Very fine. Pero sila ni Dad, ganoon pa rin. Masakit man ang loob ko kay Dad. Hinahayaan ko na lang. Ni wala siyang ipinakitang pag-aalala kay Fyodr. Ako ang nasasaktan para sa kapatid ko. Pero dahil nakikita ko na pinipilit no Fyodr na maging kahit papaano ay masaya, pinalilipas ko na lang ang inis ko kay dad. I know, time will come. Everything will be alright. Hindi nga lang ngayon. Pero handa akong mahintay kahit matagal pa ito.

Unang araw ng Nobiyembre at kasama ko si Fyodr na pumunta sa puntod ni Mom. Nagtagal din kami doon pero pagkatapos ay dumiretso ako ng club para sa hotel. Naghahanda rin ang buong club para sa event bukas . Halloween Party. Yearly ito ginagawa pero sa ikalawang araw ng buwan ng Nobiyembre. Kaya naman kaniya-kaniya na ng pagkakaayos ang mga cafe sa loob ng club. Maging ang ilang pasilidad ng club ay nakahanda na rin. May premyo kasi para sa mga empleyado ang mananalo. At hindi papahuli ang Iremia.

Pagparada ko sa harapan ng gate ng club ay may nasa unahan ko na pamilyar na kotse. Kilalang-kilala ko ang kulay abo na kotseng ito kay hindi ako dumiretso kaagad papasok.

Nakita ko na bumaba mula doon si Eli at may bitbit na bulaklak. Mukhang pupunta pa lang siya ng sementeryo para sa puntahan ang Mom niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang kausap ang guwardiya ng club na nakatayo doon. He gave his key to him. May isang kotseng huminto sa tapat nila. Bumaba doon si Liam kasama sina Vera.

Nakita ko kung paano nila hilahin si Eli habang kausap ang guwardiya.

Napangiti lang ako nang muntik na niyang sapakin si Liam dahil sa paghila nito sa kaniya.

Mukhang iiwan niya sa club ang kaniyang kotse at sasabay kina Liam.

"At least. You're not alone today." Naibulong ko at umabante na nang umusad ang kotse niya na sinakyan na ng guwardiya.

Nang mapadaan ako sa tapat nila ay bukas pa ang bintana ko para makita ako ng isang gwardiya pa doon.

Hindi naiwasan na mapatingin akin ang mga nasa tabi ng kotse ko. Sina Liam..

"Hi France!" Bati ni Liam sa akin sabay kaway.

Kumaway din ang iba sa akin. Si Vera naman ay tinanguan ako.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon