17

105 4 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko hihilahin ang oras matapos lang kaagad ang meeting namin nina Gray at Cloud. Napapasulyap ako sa phone ko na may miscalls na ni Eli. May mga messages na rin mula sa kaniya.

Nang tapusin ni Gray ang meeting ay kaagad akong tumayo at nagpaalam sa kanila. Muntik ko pa na makalimutan ang bag ko. Mabuti na lang at naihabol ni Cloud sa akin.

"Mukhang nagmamadali ka." Nakangiti niya na sabi nang maabutan niya ako sa labas at iniabot ang bag ko.

"Yeah . May lakad lang ako." Nakangiti ko na sagot atsaka na siya tinalikuran pagkatapos.

Lakad, takbo ang ginawa ko habang binabasa ang mga messages ni Eli sa akin.

Eli

Matagal pa?

Eli

How long will you keep me waiting?

Eli

Tss.

Eli

Pwedeng pumasok diyan?

Eli

Magdadalawang oras kana diyan.

Eli

Parehong oras ng paghihintay ko dito.

Eli

Ano na?

Eli

Sasama ka pa?

Eli

Nandito lang ako sa harap ng admin.

Eli

Sabihan mo lang ako kung sasama kapa o hindi.

Hindi ko alam pero sa tuwing ganito ang mga messages niya at alam ko na napipikon na siya ay kinakabahan ako. Ayoko na nagagalit o naiirita siya. Dahil kapag ganoon, wala siyang kilala. Kahit ako pa.

Nang matanaw ko siya na nakatayo sa tabi ng kotse niya at nakatitig sa akin habang papalapit ako ay pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Kunot na kunot ang noo niya habang mas natatanaw ko na ang kaniyang mukha.

He opened the door on the front seat.

I stopped in front of him and bit my lower lip. "I'm so sorry—

"May magbabago ba kapag nag-sorry ka? Just forget it." Malamig niya na sabi at sinenyasan na ako na pumasok.

I sighed with frustration. Nang humakbang ako pasakay ay natapilok pa ako dahil sa medyo nanlalambot na ako sa kaba kanina pa. Mabuti na lang at nakahawakan niya ako sa braso at beywang.

"Careful." Bulong lang niya at inalalayan ako na makapasok.

He's mad. Alam ko iyon. Sa tono at tingin pa lang niya. Alam na alam ko na galit siya.

Pagpasok niya ng kotse ay pinaandar niya ito kaagad nang hindi man lang nagsalita. Tahimik lang ako na hinila ang seatbelt atsaka inilalagay sana iyon pero inihinto niya ang kotse at inagaw iyon sa akin. Siya mismo ang naglagay ng seatbelt at inayos iyon.

Nang magtama ang mga mata namin ay itinukod niya ang isang kamay sa likuran ng upuan ko atsaka tumitig sa akin nang mataman.

"Mukha ba akong mahilig maghintay ng matagal?"

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon