11

85 4 0
                                    

"Czai! Come here!"

Bahagya akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Nat. Doon ko nakita ang babaeng kinababaliwan ni Damon na naging dahilan kung bakit umalis sya sa banda.

Ewan ko. Hindi naman sa hindi ko siya gusto. May mga pagkakataon talaga na wala akong amor sa ibang tao. Katulad niya? I don't know.

Siguro dahil sa siya ang dahilan kung bakit naiinis ako sa tuwing tutugtog kami at hindi ko marinig ang keyboard ni Damon.

Kaya may kulang.

Habang nagkukuwentuhan sila ay busy lang ako sa pagkain. Hindi ako interesado sa mga pinag-uusapan nila.

Nang mag-angat ako ng tingin at makita si Czai ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng pagkairita.

Kung ako lang. Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para lang pakisamahan siya lalo na't isa siya sa mga dahilan ng kabaliwan ni Damon.

"I don't even know kung bakit pa ninyo siya tinutulungan? Wala na siyang koneksiyon kay Damon right?" Malamig ko na tanong sa mga kasamahan ko at tinitigan si Czai ng diretso.

"Eli.." awat ni Blake sa akin. Kung hindi ako magsasalita? Sino? Para atleast alam niya. Tinignan ko si Blake atsaka ibinalik ang tingin kay Czai. Malikot ang mga titig niya at halatang hindi makatingin ng diretso sa akin. Because I'm just stating a fact here.

"I'm just saying..." mas pinalamig ko ang boses at titig ko. "I know you know what I meant. Para sa akin, ikaw ang rason sa lahat ng mga nangyari kay Damon." Kibit-balikat ko na dagdag at binitawan ang hawak ko na kutsara at tinidor. Nawalan akong gana na kumain. Nagsasabi lang ako ayon sa nakikita ko. Ma-offend na sila kung ma-o-offend.

Pagkalabas ko ng RE Cafe ay bahagyang sumilay ang ngisi sa aking mga labi.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nag-type ng message kay France.

Madalas. Kapag naiinis ako, siya ang hinahanap ko.

Her voice and presence makes me calm.

Me

Nasa RE Cafe ako.

Me

Can we meet?

France

Wala ka sa mood? Kung wala ka sa mood ayoko na makipagkita sa iyo.

Kapag wala ako sa mood ayaw niya na nakikipagkita sa akin. Pero ako, gustung-gusto ko. Kahit masilip ko lang ang mukha niya. Okay na.

Me

Nawalan ako ng ganang kumain.

France

And then?

Me

Sabay na lang tayo.

France

Ano ba ang nangyari.

Me

The reason why Damon left the band. Tss

Madalas niya akong tanggihan. Kapag ganoon, naaasar ako. Kaya ako mismo ang pupunta sa kaniya.

Frances

Hmmm. Okay let's meet. Nasa site ako. Pick me up.

Me

Nice. Be there.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon